Home METRO Ex-Army patay sa ganti ng mag-asawa sa Quezon

Ex-Army patay sa ganti ng mag-asawa sa Quezon

MANILA, Philippines – Patay ang isang retiradong sundalo ng Philippine Army matapos na barilin ang mag-asawa sa Lucena City, Quezon nitong Martes, Pebrero 20.

Ayon sa Lucena police, naglalakad pauwi ng bahay ang isang alyas Janeth, 56-anyos, sa Barangay 5 bandang 8:30 ng gabi, nang barilin siya sa ulo sa pamamagitan ng caliber .38 na baril ni alyas “Noel”, 66, dating sundalo.

Matapos barilin si Janeth, nagtungo naman ito sa bahay nito at binaril naman ang asawang si “Fernando,” 54, at tinamaan ito sa likod.

Bagama’t nasugatan na, nagawa pang makuha ni Fernando ang baril saka pinaputukan ang dating sundalo na agad nitong ikinamatay.

Dinala na sa Quezon Medical Center ang mag-asawa na patuloy na ginagamot.

Sinabi ng pulisya na posibleng may matinding galit si Noel na naging motibo ng pamamaril niya sa mag-asawa.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon. RNT/JGC

Previous articleEx-convict, live-in partner tiklo sa drug bust sa NegOr
Next articleLalaking kinuha ng puting van, natagpuan patay