Home METRO Ex-BIR employee, kulong sa pangongotong

Ex-BIR employee, kulong sa pangongotong

130
0

BULACAN- Shoot sa kulungan ang isang dating opisyal ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa isinagawang entrapment operation ng mga awtoridad makaraang ireklamo ng pangongotong ng ilang kompanya, iniulat kahapon sa probinsyang ito.

Kinilala ni NBI Central Luzon Assistant Regional Director Noel Bocaling, ang nadakip na suspek na si Enrico Adriano.

Nakuha sa suspek ang P2 milyong marked money at cellphone nito na maaaring gamitin bilang ebidensya laban sa suspek dahil sa mga nilalamang mensahe sa kanyang mga biktima.

Ayon kay Bocaling, kahit wala na sa pwesto si Adriano ay nagpapakilala pa rin itong bilang BIR Central Investigation Division member sa mga kompanya para siya na ang mag-asikaso ng kanilang mga tax deficiency kapalit na bayad.

Nakakulong ngayon sa detencion cell ng NBI Bulacan ang suspek at nahaharap sa kasong large-scale Estafa.

Pinayuhan naman ni Bocaling ang iba pang nabiktima ng suspek na maaari silang pumunta sa NBI Central Luzon Regional Office. Mary Anne Sapico

Previous articleJanella, magpapaka-daring, game makipaglaplapan sa kapwa babae!
Next articleNograles dumalo sa Global Government Summit sa Singapore