Home OPINION EX BUCOR CHIEF BANTAG, REP. TEVES PAREHO NG ESTILO

EX BUCOR CHIEF BANTAG, REP. TEVES PAREHO NG ESTILO

240
0

KUNG  totoo mga utol ang napaulat tungkol sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng dating hepe ng Bureau of Corrections na si ex-Gen. Gerald Bantag at suspendidong Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves ay malamang katapusan nang pamamayagpag nila.

Ayon sa mga kaibigan natin sa National Bureau of Investigation,   pareho umano ang estilo ng dalawang nilalang na ito sa pagawa ng krimen, na ibig sabihin ay harap-harapan kung pumatay ng tao at walang kinakatakutan.

Ang siste,  mga utol, kapag nasukol, pareho din ang estilo nila sa pagiging ubod ng sinungaling, deny to death, at maging si Department of Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ay pinagbintangan ‘bias’ at nagbanta pa kay Pangulong Bongbong Marcos na masisira ang  administrasyon ng huli  kung kukupkupin nito ang kalihim.

Marami ring nagtatanong,  mga utol, kung totoo bang bias si Remulla at  ang sagot ko po ay trabaho ng DOJ na usigin ang mga  nagkasala kaya nga ang tawag sa kanila ay mga taga-usig sa mga taong itinuturo ng mga ebidensya dahil sa kaugnayan nila sa krimen.

Ang nakapagtataka,  mga utol, ay kung ano ang meron sa tanggapan ng Ombudsman dahil parehong nagfile sa DOJ ng ‘motion to transfer’  si Atty. Ferdinand Topacio,  ang abogado nina Bantag at Teves na pinaiinhibit ang DOJ para ilipat sa Ombudsman ang kaso.

At ang nakadidismaya pa rito mga utol ay ang tanong ni Lolo Juan Ponce Enrile kung saan at anong uri ng batas ang pinag-aaralan ni  Topacio at bakit hindi n’ya alam na ang Ombudsman ay dinisenyo ng batas para sa kasong graft and corruption. He! he! he!

Si Bantag, mga utol, ay pinaghahanap na ng batas dahil sa kasong double murder samantalang si Teves naman ay ayaw nang umuwi ng Pinas dahil inginuso siya ng mga nahuling suspek na utak sa massacre at nahaharap sa kasong multiple murder.

Silang dalawa ay nagpakita ng tapang sa pasimula ngunit kinalaunan ay parehong nabahag ang buntot at naduwag sa pagharap sa paglilitis para patunayang hindi totoo ang mga paratang sa kanila.

May alam ba kayong mga anomalya sa gobyerno?

Tumawag o magtext lamang sa Cel. # 09982560520

 

Previous articleBurukrasya pinaplantsa ng PH gov’t vs korapsyon – PBBM
Next articleApela ng Pinas vs drug war probe pagdedesisyunan ng ICC sa July 18

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here