Home METRO Ex-con balik-selda sa pamamaril sa parak

Ex-con balik-selda sa pamamaril sa parak

CEBU CITY- Sugatan ang isang pulis nang barilin ng isang ex-convict sa isang operasyon sa Barangay Inayawan sa lugar na ito nitong Huwebes ng gabi.

Tinamaan sa dibdib si Police Staff Sgt. Santos Catipay subalit hindi nagtamo ng severe injuries dahil sa suot niyang bullet-proof vest.

Agad namang naaresto ang suspek na si Vince Winard Villareal, matapos ang insidente.

Ayon sa imbestigasyon, nagtungo si Catipay at apat pang pulis sa Barangay Inayawan upang beripikahin ang ulat ng illegal drug activities sa lugar.

Habang naglalakad sila, nakita nila si Villareal.

Anang mga pulis, biglang binunot ni Villareal ang kanyang baril at pinaputukan si Catipay.

Tumakbo ang suspek sa kanyang bahay kung saan siya nalambat ng mga kasamahan ni Catipay.

Isinugod si Catipay ospital kung saan nasa maayos na siyang kondisyon.

Narekober naman ang .45 caliber pistol mula sa suspek.

Base sa mga pulis, 12 taong nakulong ang suspek sa kasong homicide sa Abuyog Penal Farm sa Leyte. RNT/SA

Previous article7 arestado sa ilegal na pagbebenta ng Gcash accounts
Next articleBI sa mga dayuhan: Online portal gamitin para sa annual report