Home METRO Ex-convict, live-in partner tiklo sa drug bust sa NegOr

Ex-convict, live-in partner tiklo sa drug bust sa NegOr

MANILA, Philippines – Balik sa kulungan ang isang ex-convict at isinama pa ang live-in partner nito matapos maaresto sa drug bust sa Purok Opao, Barangay Tugas, Tanjay City, Negros Oriental nitong Martes, Pebrero 20.

Kinilala ang mga suspek na sina Vincent Bryan Mier, 41, at kasabwat nitong live-in partner na si Tiffany Camille Ferrer, 35.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency sa Central Visayas (PDEA-7), ang dalawang suspek ay mula Bais City, ngunit madalas na nagpapalipat-lipat ng tirahan.

Klasipikado ang dalawa bilang regional target-listed drug personality at naaresto na noong 2016 sa kaparehong kaso.

Nakumpiska sa dalawa ang 16 gramo ng suspected shabu na nagkakahalaga ng P108,800.

Ayon sa ulat, ang dalawang suspek ay kayang makapagbenta ng 100 hanggang 200 gramo ng illegal na droga linggo-linggo.

Nahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/JGC

Previous articleBanat ni Quiboloy malinaw na divertionary tactics- Romualdez
Next articleEx-Army patay sa ganti ng mag-asawa sa Quezon