Home METRO Ex-convict, pinagbabaril-patay

Ex-convict, pinagbabaril-patay

104
0

CAGAYAN DE ORO CITY –Basag ang bungo ng isang lalaki na kalalabas lamang kulungan dahil sa kasong illegal drugs matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang iniulat kahapon, Pebrero 4 sa bayan ng Carmen.

Kinilala ang namatay na si Benedicto Timbal Bebino, 39 anyos, at residente ng Purok 7, Damulog, Bukidnon.

Batay sa report ng Carmen Police station, naganap a ang krimen sa Kapisnon, Brgy. Kauswagan, Carmen, Cagayan de Oro City.

Ayon kay Carmen Police Station commander Police Maj. Mario Mantala Jr., isang linggo pa lamang ang nakalipas paglabas ng piitan ng biktima na may kinalaman sa illegal na droga.

Bigla na lamang pinagbabaril ang biktima na tinamaan sa ulo at katawan  na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Matapos ang krimen mabilis na tumakas ang suspek sa hindi malamang direksyon.

Paniniwala ng mga awtoridad na may kinalaman sa illegal na droga ang motibo sa krimen. Mary Anne Sapico

Previous article2nd gold nilundag ni Obiena sa Orlen Cup
Next articleSchool nurse na rider patay sa van