MANILA, Philippines- Nadakip di Marynette Gamboa, dating alkalde ng Dingras sa Ilocos Norte, nitong Sabado sa Laguna sa kasong murder, ayon sa mga awtoridad.
Inaakusahan si Gamboa, itinuturing na ikalawang most wanted person sa Ilocos Norte province, na mastermind sa pagkamatay ni Lorenzo Rey Ruiz noong 2009.
Si Ruiz ay dating presidente ng Ilocos Norte Electric Cooperative.
Ipinag-utos ng Regional Trial Court sa Batac City, Ilocos Norte noong July 11, 2022 na hulihin si Gamboa, na walang inirerekomendang piyansa.
SiGamboa rin ang “alleged mastermind in the ambush of Dingras mayor-elect Jeffrey Saguid and Sangguniang Panlalawigan board member Robert Castro in December also in 2009,” ayon sa ulat ng National Capital Region Police Office.
Nauna nang sinabi ng dating alkalde na ilang makapangyarihang politiko sa Ilocos Norte ang nais siyang patalsikin sa pwesto. RNT/SA