Home NATIONWIDE Ex-La Union rep. abswelto sa corruption charges

Ex-La Union rep. abswelto sa corruption charges

MANILA, Philippines- Lusot si dating La Union representative Thomas Dumpit, Jr. sa corruption charges sa umano’y misuse ng kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF).

Sa desisyong nilagdaan noong November 28, ibinasura ng Sandiganbayan First Division ang graft and malversation cases ni Dumpit dahil sa pagpalya ng prosekusyon na patunayan ang kanyang guilt beyond reasonable doubt.

“This Court has repeatedly adhered to the policy that when the guilt of the accused is not proven beyond reasonable doubt, the presumption of innocence must be favored, and exoneration must be granted as a matter of right,” saad sa 179-page ruling ng korte.

Hindi nakumbinsi ang korre na mayroong manifest partiality at evident bad faith dahil si Dumpit ay “simply carrying out acts required” para sa paglalabas ng pondo.

Pinaboran din nito ang defense of forgery ni Dumpit. Iprinisenta ng dating mambabatas ang forensic document examiner na nagpatunay na peke ang lagda sa mga dokumentong nagsesertipika sa kinukuwestiyong proyekto.

Abswelto rin sa kaso sina Technology Resource Center (TRC) officials Dennis Cunanan, Francisco Figura, Ma. Rosalinda Lacsamana, Consuelo Lilian Espiritu, at Marivic Jover.

Inakusahan si Dumpit ng pakikipagsabwatan sa TRC officials sa paglilipat ng kanyang pork barrel na nagkakahalaga ng ₱5.8 milyon sa AARON Foundation Philippines, Inc. at Kabuhayan at Kalusugang Alay sa Masa Foundation, Inc. para sa implementasyon ng mga proyekto mula 2007 hanggang 2010 na lumabas na non-existent. RNT/SA

Previous articleDonasyong COVID monovalent XBB jabs inihirit ng DOH sa COVAX
Next articleP4B secret funds ni PBBM ‘di tinanggal sa Senate budget version – Pimentel