Home HOME BANNER STORY Ex-LTFRB aide Tumbado ‘no-show’ sa subpoena ng NBI

Ex-LTFRB aide Tumbado ‘no-show’ sa subpoena ng NBI

MANILA, Philippines – Hindi nagpakita sa National Bureau of Investigation (NBI) si Jeff Tumbado, dating executive assistant ni suspended Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairman Teofilo Guadiz III, ngayong Lunes, Oktubre 16 para tumugon sa subpoena na inihain laban sa kanya.

“May mga inaayos pa,” sinabi ni Tumbado sa isang panayam sa telepono.

Nauna nang hiniling ni Tumbado na ipagpaliban ang imbestigasyon dahil naghahanda rin siya sa pagdinig ng Kamara bukas, Oktubre 17.

Sa kabila nito, iginiit niyang makikipagtulungan siya sa NBI.

“Definitely, definitely naman, makikipag-cooperate ako sa NBI. Hindi po ako makaka-show up ngayon kasi may mga inaayos pa po kami ng abogado ko,” ani Tumbado.

Ayon sa NBI-Anti Graft Division (NBI-AGD), hindi rin dumating ang legal counsel ni Tumbado para irepresenta siya.

Sinabi pa ng AGD na alangan ang abogado nitong dumalo at irepresenta si Tumbado dahil hindi ito “cooperative.”

Dahil dito ay posibleng magpalit ng abogado si Tumbado.

Matatandaan na naghain ang NBI ng subpoena laban kay Tumbado kasunod ng alegasyon nito laban kay Guadiz na naghatid ng corruption money kay Transportation Secretary Jaime Bautista.

Kalaunan ay binawi niya ang testimonya at humingi ng tawad kaugnay nito. RNT/JGC

Previous articleAdik tiklo sa 10 pakete ng shabu
Next articlePagbubukas ng border sa Rafah mahalaga sa repatriation ng mga Filipino – DFA