Home NATIONWIDE Ex-Makati mayor inabswelto ng Sandiganbayan sa graft, malversation

Ex-Makati mayor inabswelto ng Sandiganbayan sa graft, malversation

MANILA, Philippines- Lusot si dating Makati City mayor Elenita Binay sa graft and malversation charges sa mahigit P9.9 milyong halaga ng biniling medical equipment.

Inabswelto ng Fourth Division ng anti-graft court si Binay sa lahat ng kaso dahil hindi napatunayan ng prosekusyon ang kanyang “guilt beyond reasonable doubt.”

Subalit, sa graft charge, hinatulang guilty ang dalawang co-accused ni Binay na sina Conrado Pamintuan at Jaime delos Reyes.

Kapwa sinintensyahan sina Pamintuan at delos Reyes ng anim hanggang walong taong pagkakabilanggo at pagkakadiskwalipika mula sa public office.

Nang tanunging kung aapela sila sa hatol, kapwa sumagot ng oo sina Pamintuan at delos Reyes. RNT/SA

Previous articleRecto itinalagang Cabinet rep sa Monetary Board ng BSP
Next articleNBI wala pang natatanggap na request ng imbestigasyon sa Cha-cha signature issue