Home HOME BANNER STORY Ex-Marikina Rep. Bayani Fernando pumanaw na

Ex-Marikina Rep. Bayani Fernando pumanaw na

MANILA, Philippines – Pumanaw na si dating Marikina Representative Bayani Fernando.

Ito ang kinumpirma ng kanyang asawa na si Marides.

Ang ulat na sumakabilang-buhay na si Fernando ay matapos siyang isugod ng mga tauhan ng Rescue 161 Marikina patungo sa Quirino Memorial Hospital kung saan nagtipon-tipon din ang mga taga-suporta nito.

Sa naunang report mula sa hindi pinangalanang source, dinala sa ospital si Fernando matapos mahulog mula sa bubong ng kanyang bahay.

Nagsilbi si Fernando bilang alkalde ng Marikina City mula 1992 hanggang 2001, at naging chairman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman mula 2002 hanggang 2009.

Mula 2016 hanggang 2022 naman ay naging representative si Fernando ng 1st District ng Marikina sa Kamara. RNT/JGC

Previous article2 lalaki dinampot sa baril at panggugulo sa Navotas
Next articleCAAP sa mga piloto: Paglipad malapit sa Taal iwasan muna