Home METRO Ex-mayor inihabla sa Ombudsman

Ex-mayor inihabla sa Ombudsman

Larawan kuha ni Cesar Morales

MANILA, Philippines- Sinampahan si incumbent Tiaong Municipal Vice Mayor Roderick Umali sa Ombudsman ng kasong paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Republic Act 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees si dating Mayor Ramon Preza, na tumangging magbigay ng pahayag sa ginanap na clarificatory hearing ng Office ng Ombudsman ngayong Lunes.

Inakusahan ni Umali si Preza ng umano’y paggamit nito ng kanyang impluwensya at kapangyarihan noong nasa pwesto pa siya para ma-reclassify ang isang property na mismong pag-aari nito na R.A. Preza Realty and Development Corporation, gayundin ang pagbibigay ng business permit sa Ramonica Foods Corporation kung saan siya ang major stockholder at Chairman of the Board at President. Cesar Morales

Previous articlePokwang, minasama ang pagbati ni Lee kay Malia!
Next articleResupply mission sa Ayungin Shoal ipinagpaliban – AFP