Home METRO Ex-mayor sa NegOcc, abswelto sa kasong graft

Ex-mayor sa NegOcc, abswelto sa kasong graft

299
0

MANILA, Philippines- Pinawalang-sala ng Sandiganbayan ang dating alkalde na si Francisco M. Nazareno ong f Moises Padilla town sa Negros Occidental sa kasong graft dahil sa umano’y “unlawful” na donasyon ng munisipalidad sa sarili niyang foundation noong 2013.

Naiulat na pinayagan umano ni Nazareno na ibigay ang donasyon sa Uswag Moises Padilla Development Foundation, Inc. (Uswag) na itinatag niya, na binubuo ng pera, lupa, sasakyan, iba’t ibang gamot at office supplies na nagkakahalaga ng P2.48 milyon.

Subalit, iginiit ng Sandiganbayan na hindi napatunayan ng prosekusyon na nagkasala si Nazareno.

“After evaluating the prosecution’s evidence, all that it was able to establish is that the Sangguniang Bayan of Moises Padilla executed several resolutions that authorized accused to sign memorandum of agreements (MOAs) on behalf of the municipality to facilitate the donations to be made to Uswag, but there is no evidence to prove the actual donations alleged to have been made,” pahayag ng korte.

Dahil walang ebidensya ng pagmamay-ari ng munisipalidad ng donated items, sinabi ng anti-graft court said na hindi masasabing nagkaroon ng “damage”sa munisipalidad dahil sa mga aksyon ni Nazareno.

Ang napatunayan lamang ng korte ay si Nazareno ang alkalde ng Moises Padilla, mayroon siyang direktang interes sa Uswag, at ikinasa niya ang ilang Deeds of Donation pabor sa Uswag, base sa korte.

Subalit, iginiit ng korte na hindi napatunayan ng prosekusyon na mayroong legal effect ang mga dokumento.

“Hence, the fact that the contracts for the donation of real property were void, and that it was not proven that properties said to have been donated were owned by the municipality in the first place prevents a finding of culpability under the Anti-Graft Law,” anang korte.

Inakda ang 20-page decision na may petsang June 29, 2023 ni Associate Justice Bayani H. Jacinto na pinagtibay ni Fourth Division Chairperson Michael Frederick L. Musing at Associate Justice Lorifel L. Pahimna. RNT/SA

Previous articleAntonio Pido bagong IBP president
Next article‘Love the Philippines’ tourism campaign ng DOT, ipinababasura ni Nancy

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here