Home NATIONWIDE Ex-MIAA general manager dinepensahan ng DOTr

Ex-MIAA general manager dinepensahan ng DOTr

MANILA, Philippines- Dumepensa ang Department of Transportation (DOTr) nitong Huwebes sa pinatalsik na Manila International Airport Authority (MIAA) general manager na si Cesar Chiong matapos mapatunayan ng Ombudsman na may pananagutan sa grave abuse of authority at grave misconduct nang i-reassign niya ang mahigit 200 empleyado ng ahensya.

Ipinag-utos ng Office of the Ombudsman ang pagpapatalsik kay Chiong at assistant general manager Irene Montalbo na may “forfeiture” ng lahat ng kanilang retirement benefits at perpetual disqualification para muling makapasok sa serbisyo ng gobyerno.

Nag-ugat din ang desisyon sa pagtatalaga ni Chiong kay Montalbo bilang assistant general manager para sa finance at administrasyon sa kabila ng kanyang mababang rating.

Gayunman, sinabi ng Transportation Department na susundin nito ang desisyon ng Ombudsman.

“While Department regrets the decision, the DOTr respects the Ombudsman’s order,” anito.

“The DOTr is duty-bound to implement and serve the said order in the most expeditious way,” dagdag pa ng ahensya.

Sina Chiong at Montal ay pinatawan ng preventive suspension ng Ombudsman noong Abril 2022.

Itinalaga naman si Brian Co, senior assistant general manager ng MIAA, bilang officer-in-charge matapos isailalim sa preventive suspension si Chiong. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous article‘High-level discussions’ sa iba’t ibang larangan kinokonsidera ng Pinas, Iran
Next articleDOLE: Work suspension sa Aug. 25 depende sa employers