Home METRO Ex-nars kulong sa P1.5M tobats

Ex-nars kulong sa P1.5M tobats

233
0

CEBU CITY — Timbog ang isang dating nurse matapos na mahulihan ng tinatayang P1.5 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Jagobiao, Mandaue City nitong madaling araw ng Agosto 30.

Kinilala ni Police Colonel Maribel Getigan, sa kanyang ulat, ang naaresto na si Jhon Rosalia Buhia, 35, na tubong Borgus, Bacolod City, ngunit kasalukuyang naninirahan sa Barangay Arpili, Balamban, sa kanlurang Cebu.

Sinabi ni Getigan na nahulihan si Buhia ng 220 gramo ng hinihinalang shabu na may market value na P1,496,000, sa nasabing operasyon.

Ayon kay Getigan si Buhia ay isang pinagkakatiwalaang drug courier ng isang preso sa New Bilibid Prison at isang high value individual sa watch list ng lungsod ng mga drug personality.

Sinabi rin sa ulat ni Getigan na si Buhia ay dating isang lisensiyadong nars, na binawi ang lisensya matapos niyang makaharap ang kanyang head doctor ilang taon na ang nakararaan. RNT

Previous articlePagpapadala ng military officials sa Tsina pinatigil ni Brawner
Next articleTatay arestado sa paggahasa sa 9-anyos na anak

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here