NUEVA VIZCAYA- Tinutugis ngayon ng mga awtoridad ang dati nilang kabaro matapos pagbabarilin ang magkapatid na lalaki na ikinasawi ng isa noong Lunes sa bayan ng Diadi.
Kinilala ang suspek na si Elmer Calibuso, dating kasapi ng Santiago City Police Office, at residente ng Barangay Abra, Santiago City.
Agad naman nasawi si Rex Garnadozo, 45-anyos habang nilapatan naman ng lunas ang kapatid nitong si Fredelito Garnadozo, 36, at kapwa residente ng Escoting Diadi, Nueva Vizcaya.
Batay sa report ng Diadi Police Station, bandang alas-7 ng gabi nang naganap ang krimen tapat ng bahay ng magkapatid sa nasabing lugar.
Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, kararating lamang ng magkapatid na biktima sa kanilang bahay galing sa maisan at hindi nila inaasahan naghihintay na labas ng kanilang bahay ang suspek.
Advertisement