Home METRO Ex-parak tugis sa pamamaril sa magkapatid, 1 patay!

Ex-parak tugis sa pamamaril sa magkapatid, 1 patay!

NUEVA VIZCAYA- Tinutugis ngayon ng mga awtoridad ang dati nilang kabaro matapos pagbabarilin ang magkapatid na lalaki na ikinasawi ng isa noong Lunes sa bayan ng Diadi.

Kinilala ang suspek na si Elmer Calibuso, dating kasapi ng Santiago City Police Office, at residente ng Barangay Abra, Santiago City.

Agad naman nasawi si Rex Garnadozo, 45-anyos habang nilapatan naman ng lunas ang kapatid nitong si Fredelito Garnadozo, 36, at kapwa residente ng Escoting Diadi, Nueva Vizcaya.

Batay sa report ng Diadi Police Station, bandang alas-7 ng gabi nang naganap ang krimen tapat ng bahay ng magkapatid sa nasabing lugar.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, kararating lamang ng magkapatid na biktima sa kanilang bahay galing sa maisan at hindi nila inaasahan naghihintay na labas ng kanilang bahay ang suspek.

Dito, walang babalang pinagbabaril ang matandang Garnadozo sa iba’t ibang parte ng katawan na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Sinubukan naman tulungan ng batang Garnadozo ang kuya pero maging siya ay binaril din na tinamaan sa hita.

Agad naman isinugod sa ospital ang magkapatid subalit idineklara na rin patay ng umatending doktor ang kuya habang nilapatan naman ng lunas si Fredelito.

Matapos ang krimen mabilis na tumakas ang suspek sakay ng kulay na gray na Grand Starex sa hindi malamang direksyon.

Isa sa mga tinitignan motibo ng pulisya sa krimen ay ang agawan sa lupa. Mary Anne Sapico

Previous article3 bomba nadiskubre malapit sa pagdarausan ng BARMM-wide sports meet
Next article

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here