Home NATIONWIDE Ex-PNP chief ‘di pa lusot sa P6.7B shabu haul – Dela Rosa

Ex-PNP chief ‘di pa lusot sa P6.7B shabu haul – Dela Rosa

264
0

MANILA, Philippines – Masyado pang maaga para sabihin kung lusot nga ba o hindi si dating Philippine National Police chief Rodolfo Azurin Jr. kaugnay sa multi-bilyong piso na shabu haul sa Maynila noong nakaraang taon na di-umano ay itinago ng ilang pulis, ayon kay Senador Ronald dela Rosa nitong Miyerkules, Mayo 24.

Kasalukuyang dinidinig ng Senate committee on public order and dangerous drugs, na pinamumunuan ni Dela Rosa, ang naturang kaso.

“He’s not yet off the hook,” sinabi ng senador.

Ani Dela Rosa na dati ring PNP chief, sinabi nito na may dahilan siya para maniwalang pinayagan ng ilang high-ranking officials ng PNP ang mga pulis para itago ang pagkakakumpiska sa nasa P6.7 bilyon halaga ng shabu noong Oktubre.

Pinangunahan ng anti-illegal drug operation ang pag-aresto at kalaunan ay dismissal mula sa police force ni Master Sergeant Rodolfo Mayo Jr., intelligence officer ng PNP Drug Enforcement Group.

Iginiit ni Dela Rosa na ang direct superior ni Mayo na si PNP Drug Enforcement Group chief Narciso Domingo ay maaaring gumawa na naman ng mga bagong testimonya kaugnay sa kaso, sa mga susunod na Senate hearing.

“Si Domingo, meron ding tinatago pa. Hindi pa completely talaga nating masasabi na lahat ng sinasabi niya ay [totoo],” aniya.

Sinabi pa ni Dela Rosa, kinumpirma ni Azurin na tanging ang direktiba lamang na binigay niya ay ang pagsasagawa ng follow-up anti-drug operation.

Matatandaan na pumutok ang isyu ng shabu haul ilang linggo bago bumaba sa pwesto si Azurin bilang PNP chief.

Kagyat naman niyang pinabulaanan ni Azurin na sangkot siya sa cover up o pag-abswelto kay Mayo sa illegal drug trade.

Sa kabila nito, sinabi niya na ang imbestigasyon sa pangyayaring ito ay nagpasingaw pa sa malalim na ugat ng illegal na droga sa pwersa ng pulisya. RNT/JGC

Previous articlePH El Niño Team bubuo ng water conservation program
Next articleEx-PRRD bilang drug czar, ninja cops tiyak masisindak – Dela Rosa

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here