Home NATIONWIDE Ex-Pres Duterte handang humarap sa kaso sa alinmang korte sa bansa –...

Ex-Pres Duterte handang humarap sa kaso sa alinmang korte sa bansa – Bato

MANILA, Philippines – Inihayag ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa nitong Lunes, Nobyembre 27, na handa umano si dating Pangulong Rodrigo Duterte na humarap sa anumang kasong ihahain laban sa kanya na may kinalaman sa pagkamatay sa drug war sa alinmang korte sa Pilipinas.

Ang tugon na ito ni Dela Rosa ay nang tanungin siya kung naniniwala ba ito na posible ang prosekusyon ni Duterte.

“Yes, yes, because our justice system is working. Kung meron mang mag-kaso, haharapin ni Presidente Duterte ‘yan, as long as the cases are being filed and tried before Filipino courts, not the courts of the puti and the itim na walang alam kung ano ang nangyayari sa ating bansa,” sagot ni Dela Rosa, sa panayam ng ANC.

“It should be tried by the brown people. Dapat ganun ang mangyari. Former President Duterte will face Philippine courts because being a Filipino, he is answerable to Philippine courts, not foreign courts,” dagdag pa niya.

Ang tugon ni Dela Rosa, na nagsilbing hepe ng Philippine National Police sa administrasyong Duterte, ay kasabay ng deliberasyon ng Kamara sa House Resolutions na humihimok sa Marcos administration na makipagtulungan sa International Criminal Court (ICC) para imbestigahan ang mga pagkamatay sa panahon ng war on drugs ng dating Pangulo.

Si Dela Rosa at Duterte ay kabilang sa 11 opisyal ng Duterte administration na kinasuhan ng ICC dahil sa umano’y crimes against humanity dahil sa drug war deaths.

Ayon sa human rights groups, umaabot na kasi sa 30,000 ang bilang ng mga nasawi sa kamay ng administrasyong Duterte. RNT/JGC

Previous articleUtility worker sa loob ng mall, arestado sa buy bust ops
Next article5 mangingisda nawawala sa Quezon, OrMin