MANILA, Philippines – Pinaboran ng Court of Tax Appeals (CTA) sina dating presidential son at ngayo’y Pampanga vice governor Juan Miguel “Mikey” M. Arroyo at asawa nitong si Ma. Angela kaugnay sa kasong tax evasion na isinampa ng Bureau of Internal Revenue (BIR) laban sa kanila.
Sa sampung pahinang desisyun, idineklara ng CTA na final and executory ang desisyun nito noong March 18, 2022 na nagbabasura sa P305.7 million income tax deficiencies laban sa mag-asawang Arroyo.
Ayon sa CTA nawala na ang pagkakataon BIR na iapela ang kaso dahil itinuturing ng pinal at dapat ng ipatupad ang kanilang naging hatol.
Nabatid na natangap ng BIR ang kopya ng desisyun ng BIR division noong March 21, 2022. Batay sa rules mayroon lamang 15 araw mula March 22, 2022 o hanggang April 5, 2022 para makapaghain ng motion for reconsideration.
Naihain ng BIR ang kanilang mosyon noong April 6, 2022 kung saan nagpaso na ang panahon ng paghahain ng apela.
Sinabi ng CTA na wala na sa kanilang hurisdiksyon na repasuhin ang anumang desisyun na final and executory.
Sa rekord ng kaso, tinangka umano nina Mikey at Angela Arroyo na makaiwas sa pagbabayad ng buwis mula 2004 hanggang 2009. Sa imbedtigasyon ng BIR, nakabili ang mga Arroyo ng multi milyong pisong halaga ng iba’t ibang arian mula 2004-2009 ng hindi naideklara sa kanilang Income Tax Returns. Teresa Tavares