MANILA, Philippines – Sinabi ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa, nanguna sa anti-drug war campaign ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, na sinusuportahan niya ang ideya na maging drug czar ang dating Pangulo.
“Ako, personally, maganda sana. Babalik iyong takot ng mga drug syndicate, particularly sa mga pulis na involved [sa drugs] – mga ninja cop,” pagbabahagi ni Dela Rosa.
Bagama’t nababagay umano si Duterte sa naturang posisyon, sinabi ng senador na nakadepende pa rin ito sa desisyon ng Malacanang.
Kung aalukin naman ito ng Malacanang ng tungkulin kontra sa illegal na droga, nakadepende rin aniya kay Duterte kung tatanggapin niya ito. RNT/JGC