Home HOME BANNER STORY Ex-PRRD dadalo sa prayer rally vs Cha-cha

Ex-PRRD dadalo sa prayer rally vs Cha-cha

MANILA, Philippines – Inaasahang dadalo si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa isasagawang prayer rally ngayong Linggo, Enero 28 sa Davao City.

Inilagay na ang LED screens sa bawat kanto sa San Pedro Street.

Ayon sa mga organizer, inaasahang dadalo ang nasa 50,000 katao na tutol sa People’s Initiative para sa Charter Change.

Samantala, magpapakalat ang Davao City Police ng mahigit 300 uniformed personnel para sa mahigpit na seguridad.

Simula noong Biyernes ay nag-imprenta na ng mga t-shirt ang ilang grupo na may nakalagay na “Dabwenyos are Not for Sale”.

Isusuot ito ng mga dadalo sa naturang prayer rally. RNT/JGC

Previous articleAmihan magdadala ng mahinang pag-ulan sa bansa
Next articleLabor group nag-aalala: ‘Bagong Pilipinas’ rally may kaugnayan sa Cha-cha?