Home NATIONWIDE Ex-QC Mayor Bautista naghain ng ‘not guilty’ plea vs P32M graft charges

Ex-QC Mayor Bautista naghain ng ‘not guilty’ plea vs P32M graft charges

352
0

MANILA, Philippines – Naghain ng not guilty plea si dating Quezon City Mayor Herbert Bautista at kanyang ex-City Administrator Aldrin Cuña nitong Huwebes, Mayo 18 kaugnay sa graft charges na inihain laban sa kanya dahil sa maanomalyang P32 milyon computerization project.

Personal na naghain ng not-guilty plea sina Bautista at Cuña sa arraignment ng kaso na inihain ng Ombudsman na nag-aakusa sa kanila na kumikiling sa paggawad ng kontrata sa Geodata Solutions para sa Online Occupational Permitting and Tracking System sa kabila ng kakulangan sa appropriation na inaprubahan ng konseho.

“Not guilty po tayo. [This is] politically motivated. The case was filed against me by the Quezon City government,” pagbabahagi ni Bautista sa mga mamamahayag.

“I devoted myself to Quezon City for 34 years, and then because of politics, we have this [case],” dagdag pa ni Bautista.

Sa kabila nito, tumanggi naman ang dating alkalde na pangalanan ang mga nasa likod ng di-umano ay politically motivated na kaso laban sa kaniya.

“Kayo na bahala roon,” aniya.

Sinubukan namang ipagpaliban ng abogado ni Cuna na si Enrico Mira, Jr. ang arraignment sa pamamagitan ng paghahain nito ng Motion to Quash ngunit tinanggihan ng Sandiganbayan makaraang bigong makapagbigay ng kopya ng pleading sa prosekusyon, bago ang nakatakdang arraignment.

“Section 13 of the Rules of Court is clear. The motion is denied outright,” pahayag ni Sandiganbayan Seventh Division Chairperson at Associate Justice Theresa Gomez-Estoesta. RNT/JGC

Previous articleEmergency powers sa Pangulo ‘di solusyon sa krisis sa kuryente – P4P
Next articleCeltics durog sa Heat sa Game 1 ng ECF

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here