MANILA, Philippines- Ilalagak ang mga labi ng dating senador, kongresista, at chief of staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na si Rodolfo Biazon sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig.
Pumanaw si Biazon nitong Lunes sa edad na 88 matapos labanan ang lung cancer at pneumonia.
“We thank those who continue to pour their love, support and prayers for our father, Gen. Rodolfo Gaspar Biazon,” pahayag ni Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon sa Facebook.
Kasado ang burol ni Biazon mula Hunyo 13 hanggang 18 sa Chapels 2, 3 at 4 ng Heritage Memorial Park sa Taguig. Bubuksan ang public viewing mula alas-10 ng umaga hanggang alas-10 ng gabi at magsasagawa rin ng Misa tuwing alas-7 ng gabi.
Base kay Mayor Biazon, sa June 19, dadalhin ang bangkay ng kanyang ama sa Senado para sa necrological service pagsapit ng alas-10 ng umaga. Magkakaroon naman ng ublic viewing hanggang alas-3 ng hapon.
Nakatakda ang huling araw ng burol sa June 19 sa Holy Child Chapel sa Philippine Marines Headquarters sa Fort Bonifacio, Taguig, kung saan magkakaroon ng viewing pagsapit ng alas-5 ng hapon. Magsasagawa rin ng Misa pagsapit ng alas-8 ng umaga sa June 20.
“He was diagnosed with lung cancer in July of 2022 and underwent the appropriate treatment. This year, however, he caught pneumonia twice, the second being more serious than the first which had further weakend his lungs,” paglalahad ni Mayor Biazon sa post nitong June 12 kung saan niya inanunsyo ang pagpanaw ng kanyang ama, na nagsilbing Muntinlupa congressman mula 2010 hanggang 2016.
Magpapasa ang Muntinlupa City Council ng resolusyo ngayong June 13 para parangalan si Biazon.
Ililibing si Biazon sa June 20 sa Libingan ng mga Bayani. Magsisimula ang funeral march ng alas-11 ng umaga. RNT/SA