Home NATIONWIDE Ex-SolGen: 10-dash line ng Tsina, dedmahin

Ex-SolGen: 10-dash line ng Tsina, dedmahin

311
0

MANILA, Philippines- Dapat na lamang dedmahin ng Pilipinas ang inilabas na “standard map” ng China na sumasakop sa mga teritoryo ng bansa sa West Philippine Sea.

Naniniwala si dating Solicitor General at Ret. Supreme Court Justice Francis Jardeleza na hindi na dapat pang maghain ng kaso ang Pilipinas laban sa bagong ipinalabas na “standard map” ng China.

Napanalunan na aniya ng Pilipinas ang kaso laban sa 9-dash line ng China kaya dapat ibang mga bansa naman sa rehiyon ang maghain ng kaso laban dito.

Maaaring paraan lang din umano ito ng China upang inisin ang mga bansa sa rehisyon.

Iginiit ng dating mahistrado na hindi dapat magpadalos-dalos ang Pilipinas sa paghahain ng panibagong kaso.

Ang marapat aniya ay pagsasampa ng kaso sa United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS dahil sa pagharang ng China sa mga resupply mission sa Ayungin Shoal.

“This time, mag-file tayo ng damages, kunwari, yung na-laser, ang ang nangyari, may bilang kasi diyan kung ano ang damages natin. But, mayroon din damages sa UNCLOS na ang tawag ay exemplary damages, iyan medyo mas malaki iyon,” giit ni Jardeleza. Teresa Tavares

Previous articlePanukalang P10.7B budget ng OP sa 2024 aprub agad sa Kamara
Next article909 PDLs sa Davao Prison ininterbyu para sa executive clemency – BuCor  

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here