Home METRO Ex-sundalo itinumba sa Pangasinan

Ex-sundalo itinumba sa Pangasinan

PANGASINAN- Patay ang isang dating sundalo  matapos na pagbabarilin ng dalawang hindi nakilalang lalaki sa Brgy. San Roque, Bolinao ng lalawing ito kahapon ng umaga.

Kinilala ng Bolinao Municipal Police Station ang biktima na si Rodrigo Carolino Credo, Jr., 53, former AFP member, residente ng naturang lugar.

Umalis ang biktima sa kanilang bahay para bisitahin nito ang kanyang vegetable farm ngunit ngunit habang naglalakad ito papunta roon ay pinagbabaril siya ng mga suspek.

Mabilis na tumakas ang mga suspek matapos na pagbabarilin ang biktima.

Agad namang nalagutan ng hininga ang biktima dahil sa mga tinamo nitong sugat matapos na pagbabarilin ng mga suspek.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad para alamin ang motibo sa krimen at tukuyin kung sino ang mga salarin. Rolando Gamoso

Previous articlePOGO total ban vs transnational crimes, suportado ng PH intel agency – senador
Next articlePrangkisa ng NEPC tinalakay na sa Kamara