Home NATIONWIDE Exemption sa BSKE spending ban inihirit ng DSWD

Exemption sa BSKE spending ban inihirit ng DSWD

346
0

MANILA, Philippines- Inihayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nag-apply ito para sa exemption sa spending ban para sa darating na Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), sa patuloy nitong pamamahagi ng rice price cap subsidy sa rice retailers.

Sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian sa Palace briefing nitong Martes na bagama’t naihain na ang apela, sinisikap pa rin ng aehnsya na makumpleto ang distribusyon ng subsidy sa highly-urbanized cities at regions sa Sept. 14.

Nakatakdang ipagbawal ng Commission on Elections ang paggamit ng public funds para sa mga programa katulad ng social welfare projects ng national, regional, provincial, at local government units bago ang BSKE mula Sept. 15 hanggang Oct. 30.

Upang ibsan ang epekto ng rice price cap, sinimulan ng pamahalaan na mamahagi ng ₱15,000 cash grants sa small rice retailers noong Sabado, Bahagi ito ng umiiral na Sustainable Livelihood Program ng DSWD na mayroong unobligated budget na hindi bababa sa ₱5.3 billion, ayon kay Gatchalian.

Sa kasalukuyan, 474 rice retailers sa San Juan City, Caloocan City, Quezon City, Paranaque, Navotas, at Zamboanga del Sur ang nakatanggap ng subsidy, na may kabuuang halaga na ₱7.5 million, ayon sa DSWD chief.

Batay sa inisyal na listahan mula sa Department of Trade and Industry (DTI), inihayag ni Gatchalian na 5,942 small rice retailers ang saklaw ng programa. Ito ang mga nagbebenta sa public at private markets na mayroong business permits at/o DTI o Securities and Exchange Commission registration, aniya.

Makakasama naman ang retailers na hindi nagbebenta sa loob ng mga pamilihan sa ikalawang bahagi ng implementasyon, ayon pa sa opisyal. Nakikipag-ugnayan ang DTI sa iba pang ahensya at sa private sector para sa listahan, dagdag niya.

Nang tanungin ukol sa mga hamon na kinahaharap nila, sinabi ni DSWD spokesperson Romel Lopez sa isang panayam na mayroong ilang retailers na hindi alam ang tungkol sa programa. Inaabot na ng mga awtoridad ang market masters upang tugunan ito.

Sanib-pwersa rin ang DTI at DSWD sa pagberipika sa mga benepisyaryo, ayon kay Lopez. RNT/SA

Previous article‘Ngipin’ sa pagpatupad ng SIM registration law susi sa pagsugpo ng online fraud — GlobeTel official
Next articlePintor nahulihan ng baril sa LRT station

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here