Home OPINION EXEMPTION SA PAGTAAS NG SAHOD, MAAARING I-APPLY SA RTWPB

EXEMPTION SA PAGTAAS NG SAHOD, MAAARING I-APPLY SA RTWPB

BILANG  pagsunod sa mga umiiral na batas at patakaran, isinumite ng Davao City ang mga wage order sa National Wages and Producti­vity Commission (NWPC) para sa pagsusuri at ito ay pinagtibay noong ika-16 ng Pebrero 2024. Ipinalathala ang mga wage order sa ika-19 ng Pebrero 2024, at magkakabisa 15 araw matapos ang publikasyon, o sa ika-6 ng Marso 2024.

Isinaalang-alang sa pagtaas ng sahod ang iba’t ibang pamantayan sa pagtukoy ng sahod na nakasaad sa ilalim ng Republic Act No. 6727, o ang Wage Rationalization Act.

Ang Lupon, na binubuo ng mga kinatawan mula sa sektor ng pamahalaan, namumuhunan, at manggagawa, ay nagsagawa ng pampublikong pagdinig noong ika-7 ng Pebrero 2024, sa Davao City at deliberasyon sa sahod noong ika-13 ng Pebre­ro 2024.

Itinataas ng 9% ang bagong rate para sa mga manggagawa sa pribadong sektor mula sa umiiral na arawang minimum na sahod sa rehiyon at nangangahulugan din ito ng 23% pagtaas sa mga benepisyong may kaugnayan sa sahod na sumasaklaw sa 13th-month pay, service incentive leave (SIL), at social security benefit tulad ng SSS, PhilHealth, at Pag-IBIG.

Tulad ng alinmang wage order, at gaya ng itinatakda sa NWPC Omnibus Rules on Minimum Wage Determination, ang mga retail at service na mga establisimyento na may regular na manggagawa na hindi hihigit sa sampu (10), at mga negos­yong naapektuhan ng natural na kalamidad o gawa ng tao ay maaa­ring mag-aplay sa RTWPB ng exemption mula sa pagtaas ng sahod. Hindi sakop ng batas sa minimum na sahod ang Barangay

Micro Business Enterprises (BMBEs) alinsunod sa Republic Act No. 9178 [2002].
Magsasagawa ng information campaign ang RTWPB-XI upang matiyak ang pagsunod at magbibigay ng tulong sa mga kompanya sa pagwawasto ng wage distortion. Para sa aplikasyon ng exemption at karagdagang paglilinaw mula sa wage order, maaaring mag-email sa RTWPB sa [email protected].

Ang huling wage order para sa mga manggagawa sa pribadong establisimyento at mga kasambahay sa rehiyon ay parehong inilabas noong Mayo 2022 at naging epektibo noong Hunyo 2022.

Previous articleP6.8M shabu nasamsam sa 2 suspek
Next articleKONGRESO, PUNTIRYA SI QUIBOLOY