Home METRO Exotic pets nabuking ng BOC-NAIA sa postal item!

Exotic pets nabuking ng BOC-NAIA sa postal item!

MANILA, Philippines- Naharang ng mga tauhan ng Bureau of Customs – Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) ang mga misdeclared na “exotic pests” mula sa Thailand sa Sub-Port of Central Mail Exchange Center (CMEC) noong Nobyembre 13, 2023.

Nabatid sa BOC na sa pamamagitan ng mahigpit na pag-screen ng mga postal item, kabilang ang x-ray scan at masusing pisikal na pagsusuri, nadiskubre sa isang parsela na naglalaman ito ng 50 nakatagong piraso ng mga isopod, mga invertebrate na kabilang sa mas malalaking crustacean, na lahat ay misdeclared bilang candy.

Ang mga nasabing exotic pests ay kinumpiska dahil sa kawalan ng import clearance mula sa Bureau of Plant Industry, paglabag sa Plant Quarantine Law of 1978 (PD 1433) at Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

“The Bureau of Customs pledges to prevent smuggling and protect the country’s borders against threats, including exotic pests, through strict border controls and reforms,” pahayag ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio. JAY Reyes

Previous articlePlenary debates sa P5.768T 2024 nat’l budget natapos na ng Senado
Next articleDNA results sa Catherine Camilon case isiniwalat ng PNP