Home METRO Facebook page ng Marikina na-hack

Facebook page ng Marikina na-hack

MANILA, Philippines – Na-hack ang official Facebook page ng Marikina City Government, ayon kay Mayor Marcelino Teodoro nitong Biyernes, Pebrero 23.

Ani Teodoro, hindi na ma-access ng mga tauhan ng Public Information Office (PIO) ang Marikina PIO Facebook page mula pa noong Miyerkules.

Ginagamit ng lokal na pamahalaan ang naturang page para magbigay ng impormasyon, kabilang ang abiso sa pagbaha tuwing habagat.

“The ‘Marikina PIO’ Facebook page has been hacked by unscrupulous individuals, rendering it inaccessible to our PIO personnel,” saad sa pahayag ni Teodoro.

“Our official Facebook page became inaccessible to our staff on February 21, 2024,” dagdag niya.

Naapektuhan ng cyberattack ang operasyon ng lungsod dahil ito ang pangunahing plataporma na ginagamit nila para magpadala ng impormasyon sa mga residente ng Marikina.

Sa kasalukuyan ay hinimok ni Teodoro ang mga residente na magpadala na lamang muna ng mensahe sa Marikina City Rescue 161.

“This cyberattack on the city’s official communication channel has affected our ability to provide unhampered assistance to the people of Marikina. In the meantime, you may message the Marikina City Rescue 161 Facebook page for any concerns. We will continue to provide information and much-needed assistance to our constituents.”

“Rest assured, those behind this hacking will face the full force of the law. The local government of Marikina is now coordinating with the local police to identify the individuals behind this,” dagdag ni Teodoro. RNT/JGC

Previous articleComelec naniguro sa pag-apruba sa Miru Systems – NAMFREL
Next articleDMW, NCMF lumagda ng kasunduan sa kapakanan ng Muslim Filipino migrant workers