Home NATIONWIDE Facebook page ng PCG muling na-hack

Facebook page ng PCG muling na-hack

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na muling na-hack ang official Facebook page nito ng isang hindi kilalang entity.

Ayon kay PCG Spokesperson, CG Rear Admiral Armand Balilo, namonitor ng CGPAS ang dalawang malicious short video na nai-post/ibinahagi sa opisyal na Facebook page.

Nakikipag-ugnayan na ang Coast Guard Public Affairs (CGPAS) sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa ilalim ng Department of Information and Communications Technology (DICT) upang magsagawa ng backend operations at i-assess ang security breach.

Nitong mga nakaraang buwan ay ilang beses na ring makompromiso ang Facebook page ng PCG na posibleng iniuugnay sa mga insidente ng panghaharass sa West Philippine Sea. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articlePope Francis nanguna sa Easter Vigil sa kabila ng health concerns
Next article‘Bitbit scheme’ buking ng BI, trafficker arestado sa NAIA