Manila, Philippines – Hindi umubra ang kabataan at ganda ni Faith da Silva para masilo niya ang crush niya noon na si Albert Martinez.
Si Faith ang anak ng dating matinee idol na si Dennis da Silva.
Nagkasama sina Albert at Faith sa teleserye ng GMA na Las Hermanas noong 2021, her first major TV exposure.
Hindi ikinahiyang aminin ng aktres na totoong nagkaroon siya ng crush sa senior actor.
Ang pagga-guide sa kanya at pagiging helpful nito sa tulad niyang baguhan ang ikinagusto niya sa aktor.
Time was when natsismis pa nga noon na si Faith ang patay na patay kay Albert to the point na ang newbie pa ang punupunta sa kuwarto ng aktor during taping breaks.
Pero paglilinaw ni Faith sa Fast Talk with Boy Abunda, wala raw namagitang relasyon sa kanila ni Albert.
This despite Faith’s declaration noon na mas nakilala niya ang beteranong aktor in a deeper level.
Sa kabila nito’y noon lang daw napagtanto ni Faith kung bakit hindi interesado sa kanya si Albert as much as she was.
Ramdam daw kasi ni Faith ang sobrang pagmamahal nito sa kanyang yumaong asawang si Liezl.
April 2015 nang mabalo si Albert.
He has not had any other woman in his life since then.
Sa ngayon, obyus na naka- move on na si Faith mula sa pagiging “obsessed” kay Albert.
But for sure, Liezl would wish her husband happiness sa magiging karelasyon nito. Ronnie Carrasco III