Home ENTERTAINMENT Fan mula sa Mindanao, wagi bilang date ni David!

Fan mula sa Mindanao, wagi bilang date ni David!

73
0

Manila, Philippines – Sulit ang pagod at biyahe ni Nicole na binansagang Kikay na Maestra sa ginawa niyang pagbiyahe mula sa Cagayan de Oro mai-date lang ni David Licauco.

Dalawa kasing tagahanga o faney ang na-shortlist sa mga nag-audition bilang Valentine date ni David.

Aside from Nicole, nangarap din ang isang nagngangalang Girlie mula sa Novaliches.

Si Girlie ay isang self-confessed NBSB o no boyfriend since birth.

Ayon sa kanyang kuwento, lagi raw laman ng kanyang mga panaginip ang gumaganap na Fidel sa histotical fantaserye ng GMA na Maria Clara at Ibarra.

Sukdulan nga ang pagka-fan girl ni Girlie to the point na nagpagawa pa siya ng postcard ng hinahangaang aktor.

Pero sa kasamaang palad, hindi si Girlie ang pumasa sa panlasa ng mga hurado.

It was Nicole who emerged as the ultimate winner.

Paliwanag ng mga hurado, napili nila si Nicole dahil hindi raw ito tumitingin sa pisikal na katangian ni David kundi sa pangkalahatang personalidad nito.

Pag-amin ni Nicole, ngayon lang daw niya nagawa sa tanang buhay niya na bumiyahe all the way from Cagayan de Oro sa Mindanao “out of love.”

Kinakitaan pa ng sobrang pagkakilig si Nicole nang sabihin ni David na sila na lang daw ang mag-date sa Araw ng mga Puso.

Na-feature nga ang kuwentong ito sa Kapuso Mo, Jessica Soho na lalong nagpadagdag sa pamatay na karisma ni David sa mga kababaihan.

As for Nicole, sulit na sulit daw ang kanyang effort para makarating ng Maynila.

Eh, ikaw ba naman ang makatikim ng hug mula sa bet mong Valentine date, ano? Ronnie Carrasco III

Previous articlePVL: Paat ibinida ang teamwork ng kanyang team
Next articleP500K shabu nakumpiska