Home ENTERTAINMENT Fans ni Bea, may hanash sa exposure ni Julia sa Will You...ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Fans ni Bea, may hanash sa exposure ni Julia sa Will You Be My Ex?!June 20, 2023 13:30 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Hindi makakasipot si Bea Binene sa preem night ng pelikulang Will You Be My Ex? today, June 20 nang gabi.A day before that kasi ay tumulak ang aktres at ang kanyang pamilya for a weeklong vacation in Japan.Matagal na raw nai-book ang naturang flight, there was no way Bea could have it cancelled.Ang Will You Be My Ex? ay joint venture ng Viva Entertainment na mother studio ni Bea at ng Firestarters Productions.Sa ilalim ito ng direksyon ni Real Florido who also megged First Ko Si Third at Kabisera starring Nora Aunor.Pero tila nakasentro ang publisidad sa reklamo ng mga tagahanga ni Bea.Base kasi sa trailer, kapansin-pansing mas marami ang exposure ni Julia Barretto.Pinalagan tuloy ito ng mga Bea fans.But as far as Bea is concerned, walang dapat ireklamo ang kanyang mga tagasubaybay.Dapat daw ay matuwa pa ang mga ito dahil napakaganda ng working relationship nina Julia at Bea.In fact, wish nga raw ni Julia ay makasama pa niya uli si Bea sa mga future projects ng Viva.Proof that Bea doesn’t want to create an issue out of this ay ang gesture daw ni Julia nang minsang mag-shoot sila.Ang siste, mismong si Julia raw ang lumapit sa ina ni Bea to introduce herself and later had an exchange of pleasantries.Pakiusap ni Bea sa kanyang mga fans, huwag na silang intrigahin ng fellow Viva artist.“Marami pa naman akong naka-line up na movies sa Viva,” katwiran ni Bea.Tampok din sa nasabing pelikula ang “binatang ama” na si Diego Loyzaga na first time ding nakatrabaho ni Bea. Ronnie Carrasco III