Home ENTERTAINMENT Fans ni Kathryn, mas bet si Echo kesa kina Alden at David!

Fans ni Kathryn, mas bet si Echo kesa kina Alden at David!

Manila, Philippines – Bukod-tanging si Jericho Rosales lang ang gusto ng mga fans ni Kathryn Bernardo na makasama nito sa isang proyekto.

Sad to say, “reject” si Alden Richards.

Laglag din si David Licauco.

As for Alden, minsan na silang nagsama ni Kathryn sa Hello Love Goodbye.

‘Yung ibang fans are clamoring na gawan ito ng sequel lalo pa’t wala na si Daniel Padilla sa system ni Kathryn.

Sey naman ni Alden: “Coming soon! Let’s go!”

Akalain n’yo ba namang dahil sa sinabing ‘yon ni Alden ay na-bash siya?

Tinawag siyang user o manggagamit who’s out to use Kathryn again pag natuloy ang Part 2 ng HLG.

Kahit matagal nang nai-showing ito, ang paniniwala nila’y si Kathryn lang naman daw ang humatak kay Alden paitaas.

Ganito rin ang lantarang pag-ayaw ng mga Kathryn fans kay David Licauco.

Ang simpleng pagpapa-picture ni David kasama si Kathryn at the recent Bench Fashion Week resulted in bashing.

May nag-comment kasi na sana raw ay magsama sila sa isang project.

Again, inalmahan ito ng mga fans ni Kathryn.

Hindi raw bagay itambal ang kanilang idolo kay David dahil lalamunin lang daw ito ng aktres pagdating sa aktingan.

In short, ang nagwagi as the next ideal leading man of Kathryn ay si Jericho.

Hanggang leading man nga lang kaya? Ronnie Carrasco IiI

Previous articleCassy, ibinuking si Paulo!
Next articleKliyente ng law firm itinumba; isa sa mga gunman patay sa engkwentro