Home ENTERTAINMENT Fans ni Kim, nag-panic!

Fans ni Kim, nag-panic!

Manila, Philippines – Hindi pa man ganap na nakaka-move on ang mga fans ni Kim Chiu brought about by her breakup with boyfriend of 12 years na si Xian Lim ay nag-panic na naman sila.

Buong akala kasi ng mga ito’y may masamang nangyari sa kanilang idol.

They’re not to blame though.

It only shows how much they all love the Chinita Princess.

Sukat ba naman kasing nagpost ang kampo ni Kim ng black and white photo ng aktres.

Kuha ‘yon sa emergency room ng isang undisclosed hospital.

Bale ba, to achieve the creepy feeling, makikita sa larawan na may dextrose na nakakabit sa kanang kamay ni Kim.

Eh, kelan nga lang ay hindi pinatawad ng Covid si Kim, dahilan kung kaya’t sa Zoom na lang sila nainterbyu ni Paulo Avelino para sa Linlang mediacon.

So after the breakup and the Covid, what is it this time?

Ayon sa kanyang elder sister na si Lakambini or Ate Kam, Kim had to be rushed to the hospital.

Hindi raw kasi ito makahinga.

But worry no more dahil nakauwi na rin daw sa bahay ang kapatid.

Because of her medications ay nakatulog ito kaagad.

At nakuha na ring mag-taping afterwards!

But just the same, nginarag ni Kim ang kanyang mga tagahanga for making her photo seem alarming.

Sana raw ay i-filter ng kampo ni Kim which photos are meant to be uploaded on social media to avoid panic among her fans. Ronnie Carrasco III

Previous articleKarla, nakabili na ng bahay sa South!
Next articleGreta, spotted sa Greenhills Mall!