Home ENTERTAINMENT Fans nina Cassy at Kyline, nagbabardagulan, lumalala!

Fans nina Cassy at Kyline, nagbabardagulan, lumalala!

Manila, Philippines – Lumalaon ay patindi nang patindi ang bardagulan ng mga respective fans nina Cassy Legaspi at Kyline Alcantra.

Supposedly, inaasahang magiging malapit sa isa’t isa ang dalawa all because Cassy and Kyline share one thing in common.

Kambal ni Cassy si Mavy na ngayo’y ex-boyfriend na ni Kyline.

It all started nang mabalitang hindi na pina-follow o hindi talaga pina-follow ni Cassy si Kyline sa Instagram.

Doon pa lang ay nangangamoy nang they’re not on good terms.

Playing safe naman ang naiipit na si Mavy.

In fairness, Mavy hasn’t taken sides.

Pero ngayong balitang split na sina Mavy at Kyline, ang kasabihang “Blood is thicker than water” makes sense.

Kanya-kanyang parungit ang ibinabato ng mga fans kina Cassy at Kyline sa isa’t isa to the point na nagiging personal na ang atake.

Cassy’s fans allege na retokada raw si Kyline, na mukhang malayo naman sa katotohanan.

Toxic girlfriend din daw si Kyline na deserve lang daw isplitan ni Mavy.

Hinanapan din ng butas ng mga fans ni Kyline si Cassy.

Kesyo ang chubby na kambal ni Mavy ay pabebe, pakialamera at masama ang ugali.

At para raw ma-validate ang paratang kay Kyline that she’s a toxic girlfriend, lalabas din naman daw ang totoo.

Dahil dito, ang mga magulang ng Legaspi twins na sina Zoren at Carmina are caught in the crossfire.

May mga cryptic posts pa si Carmina in defense of the twins.

At dahil inuulan ng mga batikos sina Mavy at Cassy, post ni Carmina: “Dedma to the world!” to show how unaffected she is.

Tanong tuloy ng mga netizens: doesn’t GMA–home studio ng mga taong sangkot–intend to come into the picture as all this bickering on social media continues to escalate?

Meron bang sanctions ang istasyon para hindi na ito lumala pa? Ronnie Carrasco III

Previous articlePNP: 29 kumpirmadong pinatay kaugnay sa halalan
Next article3 patay sa walang habas na pamamaril sa Jerusalem