FATHER, FORGIVE ME FOR I’VE SINNED (UNANG LABAS)

FATHER, FORGIVE ME FOR I’VE SINNED (UNANG LABAS)

May 22, 2020 @ 8:24 PM 6 days ago

  •  
  •  
  •  
Share

Puno ako ng kaba sa dibdib habang nag-uusap ang aking mga magulang at magulang ni Isko para sa kasal namin sa loob lang ng isang linggo matapos na magtapat siya ng pagmamahal niya sa akin.

Parang hindi ako makapaniwala na makaraang magtapat si Isko kina Tatay at Nanay sa gabi ng Linggo, kinabukasan ay karay-karay na niya ang kanyang mga magulang para mamanhikan.

At ang gusto ng mga magulang ko mismo, sa susunod na Linggo na kami ikasal.

Parang unfair dahil hindi man lang nanligaw si Isko sa akin nang medyo matagal-tagal, kahit ilang buwan man lang sana para makilatis ko naman siya.

Totoo na araw-araw siyang dumaraan sa harapan ng bahay namin at naghe-hello at mabilisang kumakaway ngunit mabilisan ding lumalakad palayo.

Pero para sa akin hindi panliligaw iyon.

Ni hindi man lang pumanhik sa aming bahay para magparamdam para masabi kong “O may gusto yata sa akin ang kumag na ‘to!”

Torpe, oo, torpeng-torpe si Isko.

Pero nang dumating siya sa aming bahay, kasama ang mga barkada niya, isinubo siya kina tatay at nanay na manliligaw raw siya.

Tumindig ang aking balahibo sa totoo lang.

Hindi dahil sa ayaw ko sa kanya pero nagulat talaga ako sa eksena.

Umakyat nga ako sa ikalawang palapag ng aming bahay para maibsan ang matinding kaba sa aking dibdib, lalo’t parang gusto na ayaw ko sa kanya.

Masaya at may tawanan sina Isklo at ng aking mga magulang.

Mamaya lang, wala na akong nagawa nang tawagin ako ni inay para harapin si Isko at mga barkada niya.

Sabi ni inay, “Eto, Isko, ha! Ayaw ko ang manliligaw. Asawa ang gusto ko para kay Bhe.”

Bhe ang tawag sa akin ng mga magulang ko samantalang Ine naman ako sa aking mga kapatid dahil ako ang bunsong babae.

Sabi ni Isko, “Ah opo, kung gusto n’yo, dadalhin ko na sina Tatang at Ninang bukas para patunayan ko sa inyo na seryoso ako!”

Nanlata at bigla akong nahilo sa bilis ng pangyayari at umalis na sina Isko.

ITUTULOY

 

Share

Leave a Reply

Loading...