Home NATIONWIDE FB Dearyn iaahon ng PCG para imbestigahan

FB Dearyn iaahon ng PCG para imbestigahan

MANILA, Philippines – Sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) na magsasagawa ng operasyon upang ma-retrieve ang lumubog na FB Dearyn matapos mabangga ng foreign vessel sa katubigan sakop ng Agno, Pangasinan.

Ayon kay Coast Guard Spokesperson Rear Admiral Armand Balilo, nais ng pamilya ng mga biktima na maayos ang fishing boat para magamit ulit.

Ani Balilo, magpapadala ng dalawang multi-role response vessels ang PCG para sa towing operations.

Nagpahayag naman ng pag-asa si Balilo na ang Singaporean Port State Control ay magsasagawa ng inspeksyon sa sangkot na foreign vessel MV Pacific Anna.

Ayon pa kay Balilo, ang resulta ng posibleng inspection ay gagamitin sa imbestigasyon ng PCG.

Dagdag pa na hiniling ng PCG sa Marshall Islands Flag State na magsagawa ng sariling imbestigasyon sa insidente.

Ang resulta ng hinihiling na imbestigasyon ay maaaring gamitin sa pagtugis para sa mga claim at danyos sa may-ari ng bangka, mga biktima at survivors ng FB Dearyn, ayon kay Balilo.

Tatlong mangingisdang Pilipino ang nasawi nang mabangga ang kanilang bangkang pangisda ng Pacific Anna, isang oil tanker na nakarehistro sa ilalim ng bandila ng Marshall Islands, habang naglalayag sa karagatan ng Agno, Pangasinan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleMga biktima ng Italy recruitment scam aayudahan ng DMW
Next articlePamamaril ng pulis sa QC kinondena ni Belmonte