Home NATIONWIDE FDA chief bukas sa medical marijuana

FDA chief bukas sa medical marijuana

MANILA, Philippines- Sinabi ni Food and Drug Administration (FDA) director general Dr. Samuel Zacate na bukas siya sa paggamit ng marijuana o cannabis para sa mga medical purposes.

”My take is medicine is an innovation, we cannot guarantee na ito lang po tayo at darating sa future eh wala na, hanggang dito na lang,” sabi ni Zacate sa Palace press briefing.

Sa kanyang opinyon, sinabi ni Zacate na bukas siya sa paggamit ng marijuana. Aniya, karaniwan sa mga Pilipino ay dapat na magkaroon ng malawak na hanay ng therapeutic indication, drug of choice.

“Ako po ay for the record, to the Food and Drug Administration (FDA) ,as a director general is very much open for the marijuana as long as this has been streamlined as long as di makakasama sa ating kababayan”, dagdag pa niya.

Binanggit ni Zacate na ang panukalang batas sa medical use ng marijuana ay napapailalim sa karunungan ng legislative branch ng gobyerno.

Nauna rito, inaprubahan ng joint House committees on dangerous drugs and health ang unnumbered substitute bill na nagpapahintulot sa paggamit ng cannabis o marijuana para sa medical use.

Sinabi naman ni Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers, chairman ng dangerous drugs panel na pinapayagan lamang ng panukala ang medikal na paggamit ng cannabis at dahil dito ay ililista pa rin ito bilang isang ilegal na droga gaya ng nakasaad sa Comprehensive Dangerous Drugs Act o Republic Act 9165.

Kasalukuyan ding pinapayagan ng Department of Health ang medical use ng cannabis sa ilalim ng compassionate special permit.

Kapag naging batas na ang panukala, sinabi ng mambabatas na hindi na kakailanganin ang pagpapalabas ng CSP. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleMga bumibili ng bulaklak dagsa na sa Dangwa
Next articleTiangco brothers tumanggap ng 2023 RPMD Outstanding Public Servants award