Home HEALTH FDA nagbabala sa publiko sa paggamit ng Gluta

FDA nagbabala sa publiko sa paggamit ng Gluta

MANILA, Philippines – Inaprubahan lamang ng Food and Drug Administration (FDA) na mga Glutathione products ay may mga infikasyon na nauugnay sa paggamot ng “Cisplatin chemotherapy” .

“Other than that, kung ang produkto na ina-apply sa FDA ay hindi related sa treatment ng Cisplatin chemotheraphy ay hindi namin inaaprubahan ito (we do not approve products submitted to the FDA that are not related to Cisplatin chemotherapy treatment),” sinabi ni FDA Attorney III Pamela Angeline Sevilla sa isang radio interview nitong Huwebes.

Ang Cisplatin chemotherapy ay ginagamit para sa paggamot ng advanced stage ng cancer sa bladder, ovaries, o testicles. Ito ay antineoplastic agent na nakakasagabal sa paglaki ng mga selula ng kanser sa katawan.

Nagbabala ang FDA at Department of Health (DOH) sa publiko laban sa hindi iniresetang paggamit ng glutathione sa mga nakaraang taon.

Sinabi ni Sevilla na tila tumataas ang bilang ng mga taong gumagamit nito kasabay din ng pagdami ng mga hindi rehistradong produkto ng glutathione na ibinebenta online sa pamamagitan ng mga social media platform.

Sinabi pa ni Sevilla na ang mga online sellers ng mga hindi rehistradong produkto ng glutathione ay maaaring hindi sumailalim sa proseso ng awtorisasyon ng FDA o maaaring nag-apply para sa awtorisasyon ngunit hindi nakakatugon sa mga pamantayan ng FDA.

Sa Public Advisory No. 2019-182 nito, binalaan ng FDA ang publiko laban sa mga panganib ng injectable lightening agents tulad ng glutathione na karaniwang inaalok sa mga health at beauty salon, wellness spa, at beauty clinic.

Ayon sa ahensya , maaring nakakalason ang naturang produkto sa atay, bato, at nervous system. Maaari rin itong magbukas ng potensyal na paghahatid ng mga nakakahawang sakit tulad ng HIV at Hepatitis B.

Nitong Miyerkules, binigyan-diin din ni DOH Secretary Teodoro Herbosa ang kahalagahan ng edukasyon sa kalusugan at pagsubaybay sa mga clinic na nagbibigay ng “unsafe” skin treatments.

Ito ay bilang tugon sa ulat tungkol sa 96 taong gulang na babae na nasawiatapps sumailalim sa glutathione at stem cell intravenous infusion mula sa isang clinic sa Quezon City.

Pinaalalahanan ni Sevilla ang lahat na i-verify ang product registration status ng supplements, gamot, cosmetic products at devices, at pagkain sa pamamagitan ng FDA’s portal bago gumamit o bumili nito. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articleGAB kinilala bilang pro sports ang Motorcycle Drag Racing
Next articleImpounding facility ng LTO palalawakin para sa mahuhuling kolorum