Home NATIONWIDE FDI net inflows bumagsak sa $548M

FDI net inflows bumagsak sa $548M

MANILA, Philippines – Bumagsak noong Marso ang foreign direct investments (FDIs) sa bansa dahil sa mas mabagal na paglago ng ekonomiya sa mundo, iniulat ng Bangko Sentral ng Pilipinas nitong Martes, Hunyo 13.

Sa datos na inilabas ng BSP, lumitaw sa $548 milyon ang FDI net inflows noong Marso, mas mababa ng 30.7% sa $792 milyon sa kaparehong buwan noong nakaraang taon, at mas mababa sa $1.047 bilyon noong Pebrero.

“The said decline resulted from lower net inflows from across all major FDI components amid investor concerns over subdued global growth prospects,” pahayag ng BSP. RNT/JGC

Previous articlePilot run ng food stamp program, aprub na kay PBBM – Gatchalian
Next articleTUMATAAS ANG BILANG NG MGA BATANG NAAAKSIDENTE SA KALSADA