Home NATIONWIDE FDI net inflows noong Abril, pumalo sa $876M – BSP

FDI net inflows noong Abril, pumalo sa $876M – BSP

MANILA, Philippines – Nakapagtala ng mas mataas na Foreign direct investments (FDI) net inflows ang Pilipinas noong Mayo, iniulat ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) nitong Lunes, Hulyo 10.

Sa datos na inilabas ng BSP, umakyat sa $876 milyon ang FDI net inflows noong Abril, mas mataas sa $548 milyon noong Marso, ngunit mas mababa naman ng 14.1% sa $1.020 bilyon na naitala sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.

“The decline in FDI may be attributed to concerns over slowing economic growth and relatively high inflation levels globally,” saad sa pahayag ng BSP.

Matatandaan na bumagal sa 6.4% ang economic growth ng bansa sa unang bahagi ng taon, pinakamabagal mula nang makalaya ang Pilipinas sa COVID-19 pandemic.

Samantala, pumalo naman sa 5.4% ang inflation noong Hunyo, mas mataas pa rin sa target ng pamahalaan na 2.0% hanggang 4.0%. RNT/JGC

Previous articleEROPLANO ‘DI NAKALIPAD SA RAMI NG PASAHERO
Next articleMARAMING NAGAGANAP NA HULOG NG LANGIT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here