Home NATIONWIDE FDI net inflows noong Oktubre 2023 pumalo sa $6.5B – BSP

FDI net inflows noong Oktubre 2023 pumalo sa $6.5B – BSP

MANILA, Philippines – Lumago ang month-on-month ng investment inflows noong Oktubre, ngunit double-digits pa rin na mas mababa sa kaparehong buwan sa nagdaang taon, ayon sa datos na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) nitong Miyerkules, Enero 10.

Ang foreign direct investment (FDI) inflows sa nasabing buwan ay nasa $655 million, mas mataas sa $422 million noong Setyembre, ngunit mas mababa ng 29.6% sa $930 million na naitala noong Oktubre 2021.

Ang annual decline ay itinuturong dahil sa 26.1% na pagbaba sa net investments sa debt instruments sa $504 million mula $682 million.

Ang nonresidents’ net investments sa equity capital ay bumaba rin ng 54.4% sa $74 million, habang ang reinvestment of earnings ay bumagsak din ng 10.3% sa $76 million.

Karamihan sa equity capital placements sa nasabing buwan ay mula sa Japan, United States, at Singapore, na karamihan ay sa manufacturing, real estate, at financial at insurance industries.

Nagdala ang huling datos sa year-to-date net inflows sa $6.533 billion, mas mataas sa $5.878 billion noong Setyembre, ngunit 17.5% na mas mababa sa $7.921 billion sa comparable period noong 2021.

“While FDI continued to record net inflows, the recent decline in levels reflect the adverse impact of persistent inflationary pressures and slowing global growth prospects on investor decisions,” sinabi ng BSP. RNT/JGC

Previous articleComelec dapat makapili na ng election machines contractor pagsapit ng Marso – Garcia
Next articleWidodo humingi ng suporta kay PBBM sa pagbili ng anti-submarine warfare aircraft mula Indonesia