Remate Online ANG DYARYO NG MASA ONLINE 2026-06-09T08:32:24Z https://remate.ph/feed/atom/ WordPress https://remate.ph/wp-content/uploads/2025/09/512-150x150.png Mia <![CDATA[‘Frustration’ sa hanay ng military, gagamitin ng destabilizer vs krisis sa bansa – Lacson]]> https://remate.ph/?p=730278 2026-06-09T07:29:03Z 2026-06-09T08:47:49Z MANILA, Philippines – Nagpahayag ng pag-aalala si Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson nitong Martes na ang lumalaking “frustration” sa hanay ng sandatahang lakas ay maaaring magdulot ng panganib kung pagsamantalahin ito ng mga destabilizer. Binanggit ni Lacson ang “sketchy at raw” na impormasyon na nakarating sa kanya, na nagsasabing ang posibleng banta ay kaugnay ng […]

The post ‘Frustration’ sa hanay ng military, gagamitin ng destabilizer vs krisis sa bansa – Lacson first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Nagpahayag ng pag-aalala si Sen. Panfilo “Ping” M. Lacson nitong Martes na ang lumalaking “frustration” sa hanay ng sandatahang lakas ay maaaring magdulot ng panganib kung pagsamantalahin ito ng mga destabilizer.

Binanggit ni Lacson ang “sketchy at raw” na impormasyon na nakarating sa kanya, na nagsasabing ang posibleng banta ay kaugnay ng power play sa Senado, gayundin ng mga isyu sa flood control anomalies, inflation, pagtaas ng presyo ng langis, at iba pa.

“As per information, though still sketchy and raw, the level of frustration within the armed services has reached up to battalion and regional levels,” aniya.

Sinabi niya na ang mga nasa sandatahang lakas ay mahigpit na minomonitor ang mga kaganapan sa patuloy na krisis sa pambansang antas, na aniya ay dulot ng kombinasyon ng mga panloob at panlabas na salik.

Kabilang sa mga isyung binanggit ang power play sa Senado, mga anomalya sa flood control, implasyon, at pagtaas ng presyo ng gasolina.

Binigyang-diin ni Lacson na batid ng mga ito sa kasaysayan na walang matagumpay na kudeta kung walang suporta ng sibilyan. Dahil dito, sinabi niyang ang mga tauhan sa sandatahang lakas na “tahimik” na nagpapahayag ng kanilang frustration ay patuloy na nagmamasid sa mga kaganapan.

“The danger is, if some unscrupulous and power-hungry destabilizers among some aligned political groups would take advantage by fanning the flame of discontent, rightly or wrongly, which could trigger widespread mass movements and protests,” aniya.

Nauna rito, sinabi ni Senate President Pro Tempore at acting Senate President Sherwin Gatchalian na ipinaalam sa mga kinauukulang sektor ni National Bureau of Investigation Director Melvin Matibag na may potensyal na banta sa gusali ng Senado at sa mga pasilidad nito.

Binigyang-diin ni Gatchalian ang kahalagahan ng pagtiyak sa seguridad at kaligtasan ng lahat ng mga senador at kawani ng Senado.  Ernie Reyes

The post ‘Frustration’ sa hanay ng military, gagamitin ng destabilizer vs krisis sa bansa – Lacson first appeared on Remate Online.

]]>
0
Mia <![CDATA[Senate records, nagkumpirma sa bisa ng 12-miyembrong quorum – Gatchalian]]> https://remate.ph/?p=730199 2026-06-09T05:16:46Z 2026-06-09T08:42:54Z MANILA, Philippines – Inihayag ni Senate President Pro Tempore Win Gatchalian na malinaw na ipinapakita sa mga opisyal na journal ng Senado mula 2008 hanggang 2020 na matagal nang kinikilala ng Senado ng Pilipinas ang 12-miyembrong quorum. Noong Mayo 21, 2008, at Pebrero 11, 2009, idineklara ang quorum na may 12 miyembrong dumalo batay sa […]

The post Senate records, nagkumpirma sa bisa ng 12-miyembrong quorum – Gatchalian first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Inihayag ni Senate President Pro Tempore Win Gatchalian na malinaw na ipinapakita sa mga opisyal na journal ng Senado mula 2008 hanggang 2020 na matagal nang kinikilala ng Senado ng Pilipinas ang 12-miyembrong quorum.

Noong Mayo 21, 2008, at Pebrero 11, 2009, idineklara ang quorum na may 12 miyembrong dumalo batay sa 23 kasapi ng Senado kasunod ng pagbibitiw ni Senador Alfredo Lim matapos itong manalo bilang alkalde ng Maynila noong 2007.

Sa parehong pagkakataon, nakakulong si Senador Antonio Trillanes at hindi nakadalo sa mga sesyon.

Noong Setyembre 29, 2010, nagdeklara ang Senado ng valid na quorum na may 12 senador na dumalo sa 23 miyembro kasunod ng pagbibitiw ni Senador Noynoy Aquino matapos nitong manalo sa pagkapangulo.

Muli, hindi nakadalo si Senador Antonio Trillanes dahil siya ay nakakulong.

Noong Mayo 8 at 15, 2012, nagdeklara ang sesyon ng quorum at nagpatuloy sa opisyal na gawain na may 12 senador na dumalo sa 23 miyembro kasunod ng pagbibitiw ni Aquino.

Sa parehong pagkakataon, ilang senador ang naka-sick leave, nasa opisyal na misyon, o dumating matapos ang roll call.

Noong Mayo 5, 2015, ibinase ng Senado ang quorum nito sa 17 dahil apat na senador ang nasa ibang bansa, habang sina Senador Juan Ponce Enrile, Bong Revilla, at Jinggoy Estrada naman ay nakakulong.

Sa pamamagitan ng 12 miyembrong dumalo, idineklara ng presiding officer ang pagkakaroon ng quorum.

Noong Hunyo 2, 2015, isang katulad na quorum ang idineklara na may 12 miyembrong dumalo, dahil sina Senador Enrile, Revilla, at Estrada ay nakakulong, habang ang iba naman ay nasa opisyal na misyon, naka-extended medical leave, o dumating matapos ang roll call.

Panghuli, noong Mayo 23, 2020, muling idineklara ang quorum na may 12 senador na dumalo. Noong panahong iyon, nakakulong si Senador Leila De Lima, habang ang iba naman ay hindi pisikal na nakadalo sa sesyon.

“Hindi natin pwedeng baguhin ang kasaysayan. Ang Senate records mismo ang nagpapatunay na hindi na bago ang nangyaring sesyon noong June 3 at ito ay lehitimo,” pagdidiin niya. Ernie Reyes

The post Senate records, nagkumpirma sa bisa ng 12-miyembrong quorum – Gatchalian first appeared on Remate Online.

]]>
0
Mia <![CDATA[US military helicopter, bumagsak malapit sa Strait of Hormuz; 2 piloto, ligtas]]> https://remate.ph/?p=730279 2026-06-09T07:27:42Z 2026-06-09T08:36:43Z WASHINGTON, USA – Kinumpirma ni US President Donald Trump na ligtas at walang sugat ang dalawang piloto matapos ang ulat na bumagsak ang isang US military helicopter malapit sa Strait of Hormuz noong Martes. Hindi pa malinaw kung ang Apache helicopter ay binaril, nagka-mechanical failure, o may iba pang sanhi ng insidente, ayon sa ulat […]

The post US military helicopter, bumagsak malapit sa Strait of Hormuz; 2 piloto, ligtas first appeared on Remate Online.

]]>
WASHINGTON, USA – Kinumpirma ni US President Donald Trump na ligtas at walang sugat ang dalawang piloto matapos ang ulat na bumagsak ang isang US military helicopter malapit sa Strait of Hormuz noong Martes.

Hindi pa malinaw kung ang Apache helicopter ay binaril, nagka-mechanical failure, o may iba pang sanhi ng insidente, ayon sa ulat ng New York Times na binanggit ang dalawang source na may kaalaman sa pangyayari.

“The pilots are fine, yeah. Nobody injured,” ani Trump sa mga mamamahayag bago umalis ng New York matapos dumalo sa NBA Finals game.

Dagdag pa niya, “We are going to issue a report on that tomorrow,” ngunit hindi nagbigay ng detalye sa posibleng dahilan ng insidente.

Samantala, sinabi rin ni Trump na nasa “final throes” na ang negosasyon para sa peace deal sa Middle East matapos ang paghupa ng bagong tensyon sa pagitan ng Iran at Israel na nagbanta ng panibagong paglala ng digmaan. RNT/MND

The post US military helicopter, bumagsak malapit sa Strait of Hormuz; 2 piloto, ligtas first appeared on Remate Online.

]]>
0
Mia <![CDATA[Top 1 MWP sa Codillera na balik-bayan diniretso sa kulungan]]> https://remate.ph/?p=730198 2026-06-09T05:15:33Z 2026-06-09T08:31:48Z BENGUET, Philippines – Imbis na mga kaanak ang sumalubong, Warrant Servers ng Police Regional Office Cordillera ang nag-abang sa pagbabalik-bansa ng isang mister na tinaguriang Top 1 Most Wanted Person o TMWP  sa kasong Human Traficking na dinakip sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Kinilala ang akusado na si John Lerry Armit, 28-anyos na residente […]

The post Top 1 MWP sa Codillera na balik-bayan diniretso sa kulungan first appeared on Remate Online.

]]>
BENGUET, Philippines – Imbis na mga kaanak ang sumalubong, Warrant Servers ng Police Regional Office Cordillera ang nag-abang sa pagbabalik-bansa ng isang mister na tinaguriang Top 1 Most Wanted Person o TMWP  sa kasong Human Traficking na dinakip sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Kinilala ang akusado na si John Lerry Armit, 28-anyos na residente ng Los Baños, Laguna na binansagang pangunahing Wanted sa Cordillera Administrative Region.

Batay sa salaysay ng biktima nito, dumating ito sa Phnom Penh noong Enero 5, 2026 at di umano’y sapilitang kinumpiska ang pasaporte nito at ipinasok siya sa isang online scam hub na ang trabaho ay may kaugnayan sa online fraud operation at tuluyang nakatakas noong Enero 11, 2026 na kalaunay nakabalik rin ng Pinas.

Sa bisa ng Warrant of Arrest ay nakakalap ng impormasyon ang mga kapulisan na nasa Cambodia ang suspek na nagbunga ng koordinasyon sa pamunuan ng NAIA dahilan para agaran itong mdakip.

Nahaharap sa kasong qualified trafficking in person na walang inirekomendang piyansa para sa pansamantala nitong kalayaan ang akusado.

Pansamantala nasa kustodiya ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon bago ipasakamay sa korteng pinagmulan. (REY VELASCO)

The post Top 1 MWP sa Codillera na balik-bayan diniretso sa kulungan first appeared on Remate Online.

]]>
0
Mia <![CDATA[4 nasawi sa Davao Region sa M7.8 lindol sa Mindanao]]> https://remate.ph/?p=730280 2026-06-09T07:24:58Z 2026-06-09T08:25:49Z DAVAO, Philippines – Iniulat ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council-Davao (RDRRMC-11) na apat ang nasawi at 23 ang sugatan sa Davao Region matapos ang magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Mindanao noong Lunes. Ayon sa bulletin ng RDRRMC-11, apektado ang 42 barangay at umabot sa 8,322 pamilya o 18,384 katao ang nawalan […]

The post 4 nasawi sa Davao Region sa M7.8 lindol sa Mindanao first appeared on Remate Online.

]]>
DAVAO, Philippines – Iniulat ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council-Davao (RDRRMC-11) na apat ang nasawi at 23 ang sugatan sa Davao Region matapos ang magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Mindanao noong Lunes.

Ayon sa bulletin ng RDRRMC-11, apektado ang 42 barangay at umabot sa 8,322 pamilya o 18,384 katao ang nawalan ng tirahan o naapektuhan ng pagyanig.

Sa bilang na ito, 1,544 pamilya ang nananatili sa 14 evacuation centers, habang pitong pamilya naman ang piniling manatili sa ibang lugar o sa kanilang mga kamag-anak.

Naitala rin ang 98 nasirang bahay, kabilang ang 12 na totally damaged at 86 na partially damaged.

Tinatayang ₱500,000 ang pinsala sa imprastraktura gaya ng mga kalsada, tulay, at pantalan sa Davao City, Davao del Sur, at Davao Occidental.

Ayon pa sa ulat, 49 na lokal na pamahalaan ang nagsuspinde ng klase at trabaho bilang pag-iingat.

Nagkaloob na rin ng ₱2.04 milyong halaga ng humanitarian assistance, kabilang ang food at non-food items mula sa DSWD-11 na nagkakahalaga ng ₱1.48 milyon at ₱565,256 mula sa Office of Civil Defense.

Itinaas ng RDRRMC-11 sa red alert ang Emergency Operations Center, inaktiba ang response clusters, at nagpadala ng air assets para sa aerial survey.

Bumisita rin ang mga opisyal ng RDRRMC-11 sa Jose Abad Santos, Davao Occidental upang beripikahin ang ulat, alamin ang pangangailangan ng mga apektadong komunidad, at tukuyin ang mga kinakailangang tulong at interbensyon.

Nakatakda rin silang magsagawa ng field visits sa iba pang apektadong barangay para sa mas malalim na pagtatasa ng pinsala at pagtukoy ng mga prayoridad sa recovery efforts. RNT/MND

The post 4 nasawi sa Davao Region sa M7.8 lindol sa Mindanao first appeared on Remate Online.

]]>
0
Mia <![CDATA[DOH bukas sa imbestigasyon kaugnay ng isyu sa ‘upgraded’ airfare sa Geneva, Switzerland]]> https://remate.ph/?p=730197 2026-06-09T05:14:09Z 2026-06-09T08:20:42Z MANILA, Philippines – Handang humarap sa anumang imbestigasyon ang Department of Health (DOH) kaugnay sa umano’y isyu sa ‘upgraded’ airfare sa Geneva, Switzerland na ipinupukol ng  Alliance of Health Workers (AHW) sa pagdalo sa 79th World Health Assembly na ginanap sa Geneva, Switzerland. Una nang hiniling ng grupo sa Office of the Ombudsman na imbestigahan […]

The post DOH bukas sa imbestigasyon kaugnay ng isyu sa ‘upgraded’ airfare sa Geneva, Switzerland first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Handang humarap sa anumang imbestigasyon ang Department of Health (DOH) kaugnay sa umano’y isyu sa ‘upgraded’ airfare sa Geneva, Switzerland na ipinupukol ng  Alliance of Health Workers (AHW) sa pagdalo sa 79th World Health Assembly na ginanap sa Geneva, Switzerland.

Una nang hiniling ng grupo sa Office of the Ombudsman na imbestigahan ang  tinawag nilang “unconscionable, tone-deaf, at illegal misuse of public funds para sa personal luxury sa gitna ng kakulangan ng mga pasilidad ng kalusugan at mababang pasahod sa mga health workers sa bansa.

Nag-ugat ang reklamo sa umano’y pag-upgrade ng airfare ni DOH Usec Albert Domingo mula sa economy class patungong business class sa World Health Assembly sa Geneva, Switzerland mula May 17 hanggang May 23 ngayong taon.

Hiniling  din ng AHW na isailalim sa preventive suspension ang dalawang opisyal ng DOH habang gumugulong ang imbestigasyon sa umano’y gross misconduct, conduct prejudicial to the best interest of the service  at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt practices Act at Code of Conduct and Ethical Standards of Public Officials and Employees.

Sa isang pahayag, binigyang-diin ni DOH Usec Albert Domingo na ikinalulugod niya ang hakbang na ito upang maging malinaw ang mga umiiral na regulasyon at proseso sa pamahalaan hinggil sa mga official travel. Jocelyn Tabangcura-Domenden

The post DOH bukas sa imbestigasyon kaugnay ng isyu sa ‘upgraded’ airfare sa Geneva, Switzerland first appeared on Remate Online.

]]>
0
Mia <![CDATA[JoyRide Car, nagdaos ng grand onboarding sa QC]]> https://remate.ph/?p=730308 2026-06-09T08:32:24Z 2026-06-09T08:14:46Z MANILA, Philippines – Nagtipon-tipon sa Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center sa Quezon City nitong Martes, Hunyo 9, 2026, ang mga prospective driver-partners para sa dalawang araw na Grand Onboarding event ng JoyRide Car. Layunin ng aktibidad na mag-recruit at mag-onboard ng mga kwalipikadong TNVS drivers at operators bilang bahagi ng pagpapalawak ng fleet ng […]

The post JoyRide Car, nagdaos ng grand onboarding sa QC first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Nagtipon-tipon sa Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center sa Quezon City nitong Martes, Hunyo 9, 2026, ang mga prospective driver-partners para sa dalawang araw na Grand Onboarding event ng JoyRide Car.

Layunin ng aktibidad na mag-recruit at mag-onboard ng mga kwalipikadong TNVS drivers at operators bilang bahagi ng pagpapalawak ng fleet ng kumpanya upang matugunan ang lumalaking demand ng mga pasahero.

Ayon sa organizers, maaari ring makakuha ang mga kalahok ng iba’t ibang insentibo tulad ng libreng top-up credits, walang cash-out requirements, at mas mababang commission rates.

Ang naturang onboarding ay bahagi ng patuloy na expansion ng JoyRide Car sa transport service sector sa Metro Manila at karatig na lugar. DANNY QUERUBIN

The post JoyRide Car, nagdaos ng grand onboarding sa QC first appeared on Remate Online.

]]>
0
Mia <![CDATA[Kelot utas sa suwag ng mini dump truck]]> https://remate.ph/?p=730200 2026-06-09T05:08:50Z 2026-06-09T08:09:00Z PANGASINAN, Philippines – Hindi nagawang makaligtas sa kalawit ni Kamatayan ang isang 20-anyos na lalaki matapos mabangga ng mini dump truck ang minamaneho nitong motorsiklo sa Brgy. Alipangpang, Pozorrubio ng lalawigang ito kahapon, Hunyo 8. Ayon sa Pozorrubio Municipal Police Station, ang driver ng Honda Click motorcycle at ang 37-anyos na lalaking driver ng Isuzu […]

The post Kelot utas sa suwag ng mini dump truck first appeared on Remate Online.

]]>
PANGASINAN, Philippines – Hindi nagawang makaligtas sa kalawit ni Kamatayan ang isang 20-anyos na lalaki matapos mabangga ng mini dump truck ang minamaneho nitong motorsiklo sa Brgy. Alipangpang, Pozorrubio ng lalawigang ito kahapon, Hunyo 8.

Ayon sa Pozorrubio Municipal Police Station, ang driver ng Honda Click motorcycle at ang 37-anyos na lalaking driver ng Isuzu mini dump truck ay parehong residente ng naturang bayan.

Lumalabas sa imbestigasyon na parehong bumibiyahe papuntang hilagang direksyon sa national highway sa naturang lugar  ang mga nabanggit na sasakyan.

Pagdating sa pinangyarihan ng insidente, nasa aktong magsasagawa umano ng left turn ang motorsiklo nang aksidenteng mabunggo ito ng Isuzu mini dump truck.

Sugatan ang driver ng motorsiklo samantalang hindi naman nasaktan sa naturang insidente ang driver ng mini dump truck.

Isinugod sa ospital ang driver ng motorsiklo ngunit idineklarang dead on arrival ng umatending doktor. Rolando S. Gamoso

The post Kelot utas sa suwag ng mini dump truck first appeared on Remate Online.

]]>
0
Mia <![CDATA[Higanteng sapatos sa Marikina, ipinanumbalik]]> https://remate.ph/?p=730289 2026-06-09T08:05:36Z 2026-06-09T08:05:36Z Ipinanumbalik ng mga empleyado ng CPoint ang sikat na higanteng sapatos ng Marikina, na dating kinilala ng Guinness World Records bilang “world’s largest pair of shoes.” Ang 18-foot-long na leather shoes ay ginawa ng siyam na miyembrong team mula sa Colossal Footwear noong Oktubre 2002 at agad na kinilala ng Guinness World Records sa parehong […]

The post Higanteng sapatos sa Marikina, ipinanumbalik first appeared on Remate Online.

]]>

Ipinanumbalik ng mga empleyado ng CPoint ang sikat na higanteng sapatos ng Marikina, na dating kinilala ng Guinness World Records bilang “world’s largest pair of shoes.”

Ang 18-foot-long na leather shoes ay ginawa ng siyam na miyembrong team mula sa Colossal Footwear noong Oktubre 2002 at agad na kinilala ng Guinness World Records sa parehong taon.

Ang restoration ay naglalayong mapanatili ang isa sa mga kilalang atraksyon at simbolo ng lungsod ng Marikina, na matagal nang kilala bilang sentro ng paggawa ng sapatos sa bansa. DANNY QUERUBIN

The post Higanteng sapatos sa Marikina, ipinanumbalik first appeared on Remate Online.

]]>
0