Home ENTERTAINMENT Female singer, nagwala at humiga sa kahabaan ng Quezon Avenue!

Female singer, nagwala at humiga sa kahabaan ng Quezon Avenue!

579
0

Manila, Philippines- Nag-iskandalo ang isang magaling na female singer sa isang comedy bar situated somewhere in Quezon City last Agosto 27, 2023, Sunday, early morning.

Wala raw nakaaalam sa kayang colleagues na okray pala itong malasing lalo na’t nagkaroon sila ng away ng kanyang yummylicious boyfriend na member ng isang dance group.

Bago raw nangyari ang kaguluhan, nahilingan pa si female singer na kumanta sa comedy bar na ‘yun. Friends daw kasi nito ang ilang stand-up comedians na nagtatrabaho sa nasabing bar.

Right after her song number, nagulat na lang ang mga tao sa nasabing bar dahil nag-aaway na raw itong si female singer at ang kanyang yummylicious boyfriend.

Nagsisigaw raw talaga at dakdak nang dakdak habang papalabas sila ng comedy bar ang iskandalosang female singer.

Ang ikina-shock pa nila, humiga si female singer sa kalye malapit sa may bandang Quezon Avenue.

Nilapitan na raw ito ng mga pulis para awatin at pinilit nilang ipasok ng bar o isakay na ng kotse, pero ayaw pa rin daw talagang paawat ang mahusay na female singer.

Ang nakababaliw pa, kinagat raw nito ang boyfriend sa braso nang pigilan siya nito.

At this point, umawat na raw ang isang komedyante at sinabihan si female singer na pumasok na lang sa loob ng comedy bar.

Nagtitili raw ang singer at nagsabing, “Wala kang pakialam!”

Ang ending, iniwan na lang daw sila.

Wala raw nakaalam kung paano napatigil ang hitad na singer at kung ang kanyang boyfriend na lang ba ang nag-uwi dito. Pete G. Ampoloquio Jr.

Previous articlePagkumpleto sa Code of Conduct sa S. China Sea matatagalan – DFA exec
Next articleCondemnation facilities sinuri ng BOC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here