Home OPINION FENTANYL AT PINAS NA DALUYAN NG DROGA

FENTANYL AT PINAS NA DALUYAN NG DROGA

177
0

SINASABI ng Philippine Drug Enforcement Agency na nananatili ang Pilipinas bilang daluyan o transshipment point ng droga patungo sa ibang bansa.

Bukod ito sa katotohanang ibinebenta rin mismo ang droga sa atin.

Ayon kay PDEA Director General Moro Virgilio Lazo, nanggagaling umano ang mga droga sa Burma, Laos at Thailand.

Kabilang naman sa mga pinagdadalhan ng mga ito ang Australia, New Zealand, Amerika at Europa.

Bukod sa karaniwang shabu, marijuana at iba pa na ipinadadala sa Pinas at sa ibang bansa, nagpapadala rin ang mga druglord ng fentanyl na malakas na gamot laban sa kirot.

At itong fentanyl ngayon ay napakalaking problema.

LABAN SA GUTOM, KIROT

Kung walang laman at may pananakit sikmura, itong mga iligal na droga ang ginagamit para mapawi ang gutom at pananakit ng nasabing parte ng katawan.

Pagsinghot ng shabu o marijuana, solb na ang lahat habang naghahanap ng pampalaman sa tiyan at kirot sa sikmura si tsuper.

Kaya nga, hindi lang mga adik sa iligal na droga ang gumagamit nito kundi maging ang maraming truck at bus driver na lumalaban sa gutom sa biyahe, sa pananakit ng sikmura at sa puyat at pagod sa pagmamaneho.

Nakontrol lang, kahit papaano ang pagdodroga ng mga tsuper, lalo na sa mga bus at iba pang pampublikong sasakyan, nang maglunsad ng giyera sa droga si dating Pangulong Mayor Digong Duterte.

Pero nagbabalik at muling nabubuhay ang mga iligal na droga at patunay rito ang kabi-kabilang hulihan sa mga nagbebenta, nagpapasok sa bansa at gumagamit ng mga ito.

SOLB SA FENTANYL

Ang fentanyl ay sobrang lakas laban sa kirot, kahit anong klaseng kirot.

Umano, 30-50 porsyentong mas mas malakas ito kaysa heroin at 50-100 mas malakas kaysa morphine na parehong ginagamit ng mga doktor at ospital laban sa kirot na nararamdaman ng may kanser, kaoopera sa puso at iba pang maseselan ang kalagayan.

Unang ginagamitan ng heroin o morphine ang mga pasyente.

Pero kung hindi na uubra ang mga ito, ‘yang fentanyl na ang gnagamit.

Ngayon naman, dahil sa lakas ng gamot na ito laban sa kirot, mabilis nang dumarami ang gumagamit nito.

Hindi lang mga adik kundi maging ang maraming nakararamdam ng kirot saanmang bahagi ng katawan.

Marami na ring nagiging adik dito at kabilang sa mga pangunahing bansa na may problema rito ang Amerika.

Namamatay ang mga Kano sa overdose lalo’t basta na lang sila umiinom ng fentanyl nang walang reseta ng mga doktor.

SA PINAS?

Shabu, cocaine, heroin, party drugs ang uso para sa mga adik sa droga.

Pero baka bukas, makababalita na tayo na may mga adik na rin pala sa fentanyl at may namamatay na rito.

Magbantay na lang tayong lahat at labanan ang mga druglord na nag-oopereyt sa buong bansa.

Previous articleGADGETS BAWAL NA SA ISKUL
Next articleChinese patay sa bumanggang motorsiklo sa nakaparadang trak

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here