Home SPORTS Fernandez, Catubig kuminang sa PNG 

Fernandez, Catubig kuminang sa PNG 

MANILA, Philippines – Nanalasa sa Day 3 ng 2023 Philippine National Games finals sina Quendy Fernandez ng Puerto Princesa at Lyka Labrica Catubig ng Davao kahapon. 

Kinampay ni 18-year-old Fernandez ng Puerto Princessa ang pang-limang gold medal matapos manalasa sa women’s 200-meter backstroke na ginanap sa swimming pool sa PhilSports sa Pasig. 

Si Fernandez na pambato ng University of the Philippines at reigning UAAP Rookie MVP ang unang athlete na sumiklwat ng quintuple gold medal sa nirehistrong dalawang minuto ang 29.52 seconds sa Day 3 ng prestihiyosong kumpetisyon. 

 Malakas na sinimulan ni Fernandez ang kanyang kampanya sa unang dalawang araw nang sikwatin nito ang gold medals sa 50m at 100m back, 50m butterfly at 200m medley relay kung saan ay nakipagkampihan siya kina Maglia Jay Dignadice, Pearl June Daganio at Cindy Fernandez. 

Tinakbo naman ni Lyka Labrica Catubig ang pangalawang gintong medalya nang dominahin ang 5,000m U-20 women’s division sa athletics kahapon din sa PhilSports track & field oval. 

Isinumite ni 19-year-old Catubig ang tiyempong 19 minuto at 26.84 segundo sapat upang ungusan sina Katrina Almuete Salazar ng Pasig (silver) at Mary Rose Frias ng Pangasinan (bronze). 

Una nan naibulsa ni Catubig ang ginto sa Day 1 sa 3,000m walk. 

Ang ibang nagpasiklab sa track and field ay sina national team na sina Junel Sergio Gobotia, (men’s steeplechase) at Evalyn Palabrica (women’s javelin), Naga’s Melquisedec Manto (men’s 5000m), at Bohol’s Diana Rysiamie Hurano (women’s long jump). 

Sa chess, ipinakita ni WIM Kylen Joy Mordido ang kanyang tikas matapos humablot ng dalawang gold medals kahapon sa GSIS Gymnasium. 

Nakipaghatian si olympian Mordido ng Dasmarinas kay Francois Marie Magpily ng Mandaluyong sa seventh at final round upang magkampeon sa women’s individual standard matapos ilista ang 6.5 points. 

Nasungkit naman ni Mordido ang pangalawang ginto sa team standard, kakampi nito si Jerlyn Mae San Diego. 

Kuminang din si Jerome Etang Negapatan ng Zamboanga City sa men’s Wai Kru at Mai Muay na ginanap sa Manuel Roxas High School Gym. 

Si Krystal Yvonne Malecdan ng Baguio naman ang komopo ng gold sa women’s Wai Kru.Rey Nillama/RICO NAVARRO

Previous articleDigiplus, Bingoplus, Arenaplus Celebrates a Merry Christmas with its Media Partners in the Marvelous Christmas Media Party 2023
Next articleBasbas sa LGBT couples, simbolo ng habag – Villegas