Home SPORTS FESSAP-APUG 3×3 Philippines didribol sa Marso 15-17

FESSAP-APUG 3×3 Philippines didribol sa Marso 15-17

IPINAHAYAG ng One Dream Sportsman, sa pamumuno ni basketball coach Dr. Norman Afable, ang pagdaraos ng APUG 3×3 Philippines – isang qualifying tournament para sa Asia Pacific University Games 3×3 Championship – na nakatakda sa Marso 15-17 sa Marikina City Sports Gymnasium at Bulacan Center sa Malolos .

Sa pakikipagtulungan ng Federation of School Sports Association of the Philippines (FESSAP), ang liga ay para sa lahat ng mga interesadong eskwelahan, kolehiyo atunibersidad at bukas sa  mga estudyante na may edad 25-under.

Bahagi ang torneo ng programa ng FESSAP na mapatatag ang pagsulong ng basketball sa grassroots level at mabigyan nang mas maraming pagkakataon para sa mga manlalarong Pilipino na mahasa ang kanilang kasanayan at maabot ang potensyal na maglaro sa mga lokal pro league gayundin sa abroad.

“It’s an honor and great privilege, kaya nagpapasalamat ako na mapagkatiwalaan ng FESSAP to run this league and to help our young players to reach their full potential para maging handa sa pagkakataong dumating sa kanilang career,” pahayag ni Afable, dating collegiate standout at organizers ng grassroots basketball league.

“Maraming pagkakataon ngayon.  In-demand ang ating mga manlalaro sa Korea, Japan at China pati na rin sa Middle East. Yung exposure na makukuha ng ating mga players ay malaking tulong para mas maging handa sila kung dadalhin nila ang career sa abroad,” adugtong ni Afable, naitalaga ring Chairman and Sports Marketing and Operation ng liga.

Ang isa pang beteranong coach na si Jojo Castillo ay ang tournament director.

Sinabi ni Afable na ang liga ay naghahanap ng 20 eskwelahan at bukas maging sa mga hindi miyembro at kaanib na paaralan ng FESSAP. Ang deadline para sa pagsusumite ng paglahok ay sa Pebrero 28.

“Ang mga paaralan ay pinapayagan na bumuo ng dalawang koponan. Tinarget namin ang 20 participants, ngunit kung marami pang team na sasali, hahatiin namin sila sa tatlong grupo; single-round elimination ang format,” ayon kay Afable.

Bukod sa P25,000 na kabuuang pot purse, ang nangungunang apat na koponan sa torneo ay awtomatikong kwalipikado para sa Asia Pacific University Games 3×3 Championship, na kung saan ang bansa ay nagho-host sa unang lingo ng Mayo.JC

Previous articlePilot run ng bagong SHS curriculum target ng DepEd sa SY 2025-2026
Next articleKris, ‘pinamanahan’ ng mga LV shoes si Moira!