MANILA, Philippines – Itinapon ang isang fetus na natagpuan sa kanal sa kahabaan ng Dagupan St., Tondo, Maynila.
Sa imbestigasyon ng Manila Police District (MPD), nadiskubre ito ng dalawang indibidwal na nangangalakal.
Napag-alaman na nangongolekta ng basura ang garbage collector na sina Renato Signe, 45, at Armando Tejero, 56, nang makita ang isang container jar sa may kanal sa Barangay 51 Z-4 sa nasabing lugar.
Agad namang ipinagbigay alam nina Sogne at Tejero ang insidente sa MPD-PS 7.
Iniimbestigahan na rin ito ng pulisya upang matukoy kung sino ang nagtapon sa fetus at kung sino ang kanyang ina. Jocelyn Tabangcura-Domenden